Maraming bahagi ng ating buhay ang nasisira dahil sa pagbaba ng kalidad ng ating relasyon sa ating kapwa. Nag-uugat ang lahat sa maling pananaw sa pakikipagkapwa at hindi tamang tugon sa mga alitan. Failed relationships, however, can be prevented. Ilang tips upang masolusyunan ang mga problema.
Magpakatotoo ka brother/sister. Hindi angkop na ibahin ang iyong kulay upang matanggap ka ng ibang tao. Iwaksi ang pagiging hunyango. Honesty is still the best policy. Humanda ka dahil may expiration date ang pagpapanggap. Lalabas at bubulwak ang tunay mong itsura at amoy. Huwag linlangin ang iyong sarili at ang iyong kapwa.
Live a life of integrity. Maraming taong oportunista, pero huwag na huwag kang mangi-isa. Mas mabuti nang ikaw ang lokohin kaysa ikaw ang manloko. Kapag nadenggoy ka ng iba, ok lang iyan. There is always a first time. Ituring mo na lang na dakilang aral ang iyong karanasan. Pero kapag nalinlang ka na naman sa parehong dahilan, iba na iyan. Please, maging matalino.
Kapag nagkamali, umamin sa pagkakasala at humingi ng tawad. Kung talagang nagkamali ka, bow na. Sambitin agad ang pangungusap, "I am sorry" nang galing sa puso, hindi lamang sa nguso. Don’t rationalize your mistakes. Huwag nang magpalusot. Minsan, hindi na isyu minsan kung sino ang mali. Humingi ng tawad kahit hindi ikaw ang may sala. Ang mahalaga, may pagnanais kang maitama ang gusot at mabuo muli ang relasyon.
Choose your battles wisely. Mahirap ang maraming kaaway. Lumiliit ang mundo mo. Hindi lahat ng alitan dapat pinapatulan. May mga bagay na pinalalampas na lamang. Ito ang mga trivial issues na mas makakabuting huwag nang pansinin dahil mas lugi ka sa huli. Huwag masyadong mainit ang bunbunan at laging umuusok ang ilong. Pero, dapat mo ring malaman ang mga bagay na dapat ipaglaban. Ikaw lang ang nakakaalam niyan.
Ibigay sa Panginoon ang karapatan na maghiganti. Kapag inagrabyado ka, itali ang iyong mga kamao at umupo sa isang sulok ng iyong kuwarto. Pahupain ang kalooban. Pause and pray. Ibigay mo na kay Lord ang lahat ng hinanakit. Sa Kaniya magsumbong. Huwag ipanalangin na saktan Niya ang ating kaaway kundi Siya ang magtakda kung ano ang nararapat na parusa. Let His justice prevail.
Huwag mapapagod magmahal. People may forget your achievements and honors. But they can never forget how you made them feel loved. Laging magpakita ng pagmamahal sa lahat ng taong iyong makakasalamuha kahit sa maliit na paraan. Ika nga ni Mother Theresa, “We can do no great things--only small things with great love”. Ituon ang isip sa kung paano magpapakita ng pagmamahal at hindi sa kung paano makakatanggap ng pag-ibig mula sa iba. It is better to give than to receive.
Matutong magpatawad. Ang mga taong hirap magpatawad ay either sadyang matigas na ang kalooban o kaya ay hindi pa nararanasan na patawaran ng iba. Kung hindi ka marunong magpatawad, para kang nagdadagan ng isang malaking bato sa iyong dibdib. Nakaka-stress iyan kapatid. Forgive and free yourself from resentment and anger.