Sa tuwing kumukuha ng isang exam ang isang estudyante, sinusubok siya sa dalawang bagay: ang kaniyang kaalaman ukol sa kurso at ang kaniyang “testwiseness” o karunungan sa pagsagot sa exam items. Ito ay ilang tips kung paano maipasa ang anumang exam “with flying colors”.
Know the type of exam you will take. Kung alam mo ang uri ng exam na iyong haharapin, mas madali ang iyong pagre-review. Tanungin ang inyong guro kung ano ang uri ng tanong ang kaniyang ibibigay. Maari ring konsultahin ang mga dating estudyante na dumaan na sa pagsusulit. It is also helpful if you can secure copies of sample exams. Kung walang paraan upang malaman ang uri ng exam, pag-aralan ang karakter ng iyong guro sa pagtuturo at kung paano siya nagbibigay ng tanong. Higit sa lahat, patindihin ang pagre-review.
You must be prepared to take the test. Mahirap mag-concentrate kung mayroon kang nararamdaman sa katawan at maraming iniisip na problema. Mahirap ding ipasa ang exam kung lagi kang absent sa klase. Cramming does not work. Mas mabuting mag-review sa mahabang panahon in small quantities kaysa sagarin ang buong dalawang araw sa pag-aaral ng mga lessons na isang semester na tinalakay sa klase. Kailangang relaxed ang iyong utak bago sumabak sa pagsusulit. Have at least 6 hours of sleep. Siguraduhin din na may laman ang iyong sikmura. Isama sa paghahanda ang panalangin ng paghingi ng karunungan sa Panginoon (Santiago 1:5).
Get rid of the Before-the-Test Worry. Boost your confidence. Malaki ang epekto ng iyong nararamdaman bago mag-exam sa maari mong maging performance. If you feel confident about passing the exam, you will lose some of your anxiety about the test. Pero, huwag ka namang maging overconfident na maaaring humantong sa pagiging careless sa pagsagot sa test. Huwag na huwag male-late sa pagpunta sa test center. Mahirap mag-concentrate kapag hinihingal ka dahil sa pagmamadali. Isa sa kalimitang dahilan ng exam memory loss o mental block ay ang sobrang nerbiyos. Relax.
Make the best use of your time. Lahat ng exam ay under time pressure. I-scan muna ang exam paper at i-assess kung ilang minuto ang ilalaan sa bawat parte. Laging tumingin sa orasan. Unahin ang mga madadaling tanong at ipahuli ang kakain ng mas mahabang oras. Unahin din ang mga items na magbibigay ng malalaking puntos. If all else fails, guess. Siguraduhin lang na walang point deduction sa mga maling sagot (i.e. right minus wrong exams).
Answer the Exam Items Correctly. Read the instructions carefully. Kung kailangang “X” ang imarka, “X” ang imarka. Kung kailangang bilugan ang sagot, bilugan. Maaaring hindi bilangin ang mga tamang sagot dahil sa hindi pagsunod sa instructions. Kung ano ang hinihingi ng tanong, iyon ang dapat na isagot. Lalo na sa objective essay exam kung saan walang lugar ang pambobola. Alam ng mga guro kung ang estudyante ay nagpapaikot-ikot lamang ng argumento. Ayusin din ang inyong penmanship upang hindi na mahirapang basahin ng guro ang iyong papel.
Avoid careless errors. Kung mayroon pang panahon, balikan ang iyong mga sagot at alamin kung may mali sa spelling, grammar o paraan ng pagsagot sa mga items. Maximize the time of the exam. Huwag magmadali at maging over-confident sa sagot. Gamitin ang nalalabing oras upang i-recheck ang mga sagot.
After the exam, give yourself a break. Treat yourself kahit hindi ka masaya sa nangyari (kung alam mong disaster ang performance mo). Sabi nga nila, there’s no use crying over spilt milk. Tapos na iyon at wala ka nang magagawa. Bawi ka na lang sa susunod (kung may next time pa!). Pero mas lalo mong i-treat ang sarili mo if you feel good about yourself after the exam at alam mong nasagot mo nang maayos ang mga tanong! Nonetheless, the most important thing is that you did your best.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...