Ito ang buwan na nagkukulay pula ang sanlibutan (i.e. pulang damit, pulang sapatos at marami pang pula), bumabango ang paligid dahil sa halimuyak ng mga bulaklak at maraming nagkakaroon ng “sweet tooth” dahil sa paglipana ng Toblerone, Hershey’s, Truffles at Chocnut/Haney bilang panregalo. Kapansin-pansin ang pagtaas ng benta ng romantic cards at love merchandise. Hindi rin mapapsubalian ang “intimate moments” ng maraming magsing-irog. Punong-puno ang reservations ng mga hotels at motels, ganundin ang mga Love-a-Palooza events.
Kaya para sa mga walang “significant other” na nakakasaksi sa lahat ng ito, maituturing na SAD ang Valentine’s Day (Single Awareness Day).
Bakit nga ba may Valentine’s Day? Kailangan ba talagang i-celebrate ang araw na ito? O tanggalin na lamang sa kalendaryo?
Hindi magkasundo ang mga historians sa tunay na pinagmulan ng tradisyon. Ayon sa Catholic Encyclopedia, may tatlong santong Valentino na naging martir sa ika-14 ng Pebrero. Isang kuwento ang nagsasabing isang Obispo si Valentino na nagdaos ng mga sikretong kasal ng mga sundalong Romano at kanilang mga nobya noong panahong ipinagbawal ni Emperador Claudius II ang pag-aasawa. Nahirapan kasi ang Imperyo Roma na makakuha ng mga sundalo dahil ayaw ng mga kalalakihan na iwan ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa isa pang kuwento, idineklara raw ni Pope Gelasius noong 469 A.D. ang ika-14 ng Pebrero bilang araw ni San Valentino upang kalabanin ang Feast of Lupercalis/Lupercalia, isang fertility festival na isinasagawa tuwing ika-15 ng Pebrero.
Ano pa man ang kasaysayan ng pagdiriwang—pagano o Cristiano man ang pinagmulan—gamitin natin ang pagkakataon upang ipakita sa lahat ang pag-ibig ng Diyos (1 John 4:7-8). Kung malusog ka, donate ka ng dugo sa Red Cross. Bigyan mo ng appreciation notes o flowers ang iyong boss, guro, kaibigan o mahal sa buhay. Pagpahingahin mo si nanay sa paghugugas ng pinggan at paglalaba ng damit. Ikaw naman ang gumawa ng gawaing bahay. This can also be an opportune time to settle conflicts with your enemies.
Hindi lamang tayo dapat nakatuon sa “romantic element” ng Valentine’s Day. Hindi kailangang mamigay ng “condom” sa Valentine's Day kung ang pagtingin sa pag-ibig ay hindi nakatuon sa pisikal na pagniniiig ng katawan. Sex is not the end-all and be-all of a serious, committed relationship! Mas dapat nating pahalagahan ang pagtuunan ng pansin ang pagpapakita ng katapatan at kalinisan ng kalooban. Sa mga singles, celebrate your independence and offer the prime years of your lives for the greater glory of God.
Lagi nating balikan ang naganap sa Krus ng Kalbaryo—kung saan ipinakita ng Diyos ang pinakadakilang pag-ibig sa lahat. He showed himself as the greatest lover of all by giving His Son, Jesus Christ, to die on the cross for our sins (John 3:16, Romans 5:8). We are missing the greatest message of the season if our love is not founded on the real source of it.
This Love Month, palitan ang Facebook Status: In a Relationship (With Jesus).
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Wednesday, February 16, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...