Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso? O kabataan, kayo ay aming hinihintay! -PADRE FLORENTINO, El Filibusterismo ni Jose Rizal
Nasa Grade 2 ako noong maganap ang unang EDSA Revolution. Galing ako sa maghapong paglalaro nang makita ko sa aming Black and White TV set ang maraming taong nagmamartsa sa kahabaan ng EDSA. Wala akong pakialam dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Noon lamang nang tumuntong ako sa kolehiyo lubos kong naunawaan ang pagdiriwang ng EDSA Revolution taon-taon. Sinalamin ng EDSA 1 ang diwang makabayan ng lahat ng Filipino. Pinatunayan nito na ang tunay na kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan. Makalipas ang dalawang dekada, marami ang nagsasabing unti-unti nang nawawala ang diwa ng EDSA.
Madali daw makalimot tayong mga Filipino. Hindi ako naniniwala.
Ang pagiging makabayan ay hindi magwawakas. At hindi kailanman ito mawawala sa puso ng bawat Filipino. Ngunit, no ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging “nationalistic” o makabayan? Paano ito dapat tingnan ng mga kabataan?
MAKABAYANG CRISTIANO
Nationalism promotes the idea that the nation-state (composed of the people in a given territory with its sovereign government) is paramount for the realization of social, economic, and cultural aspirations of a people. It complements the idea that we should love our neighbor as we love God. I can cite three major reasons why we should love our nation.
Una sa lahat, mahalaga sa Panginoon ating bansa dahil siya ang maylikha nito. The earth is the Lord’s and the fullness thereof. God initiated all world governments. Siya ang nagbibigay ng lugar kung saan titira ang anumang lahi. Siya ang nakakaalam ng kasaysayan ng lahat ng tao sa daigdig. May kapangyarihan siyang magbuo at magwasak ng anumang bansa. Kung nais nating manatili ang pagpapala ng Diyos sa ating bayan, kailangang lumakad tayo sa Kaniyang katwiran at kabanalan.
Pangalawa, we must exercise nationalism because of the things we have in common as a people. Pinag-iisa tayo ng iisang kultura, karanasan at kasaysayan. Kung paano natin mas kailangang pahalagahan ang ating mga kapatid sa pananampalataya at kapamilya, ganundin, pahalagahan rin natin ang ating mga kababayan. Kailangang kalabanin natin ang pagkakanya-kanya. Ang Panginoong Hesus mismo ay nagpakita ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang bayan nang iniutos Niya sa kaniyang mga disipulo na unang ibahagi ang Mabuting Balita ng Kaligtasan sa kaniyang mga kababayan. Ganito rin ang ipinakitang pagmamahal ni Pablo sa kaniyang bayan nang ipakilala niya ang sarili bilang isang totoong Hebreo at tagapagtaguyod ng Judaismo bilang isang Pariseo.
Pangatlo, kailangan nating ipahayag ang nasyonalismo dahil sa bisa ng social contract o kasunduan sa pagitan ng mga mamamayan at namamahala ng bansa. Kailangan nating magpailalim sa pamahalaan kung nais nating mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran sa ating bayan. Nakakatanggap tayo ng proteksyon mula sa pulis at mga sundalo, nakakakuha ng serbisyo mula sa mga pampublikong ospital at iba pang serbisyong bayan. Mangyayari lamang ito kung may sapat na pondo ang pamahalaan. Kung kaya, kailangan nating magbayad ng buwis sa pamahalaan para magpatuloy ang mga pampublikong serbisyo. Dahil sa nagbabayad tayo ng buwis, may karapatan naman tayong makibahagi sa paggawa ng batas ng pamahalaan at makisangkot sa mga isyung panlipunan.
Ang ating pagmamahal sa ating bayan ay dapat nakatuntong sa katotohanang mahal ng Diyos ang lahat ng tao at ang ating mga kababayan. Kailangan nating mahalin ang ating kapwa-Filipino dahil mahalaga sila ng Panginoon. Gawin natin ang lahat upang makilala nila at maramdaman ang pag-ibig ng Diyos. A Christian patriot works to see the kingdom of God and His righteousness established in the land of his earthly citizenship.
Bible References: Deuteronomio 26:19,Awit 86:9, Gawa 18:24-26, Psalm 24:1, Colossians 1:16, Gawa 17:26, Jeremias 18:7-10, Galacia 6:10, Mateo 10:5-6, 15:24, Filipos 3:5-6, Roma 13:7
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Monday, September 21, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...