Wednesday, January 02, 2008

REMEMBER YOUR CREATOR IN THE DAYS OF YOUR YOUTH

Below is the first chapter of the book I am working on. It aims to address the common issues Filipino adolescents face (i.e. family, peers, academic life) by presenting Biblical principles and values that could help resolve their dilemmas. This is a glimpse of a 10-chapter book which I commenced writing in 2002. A Christian missionary firm plans to publish the work this year.

----

Magsimula tayo sa isang kuwento tungkol sa isang kabataan. Ipinanganak si Simon na may kapansanan. Mayroon siyang Morquio's syndrome, isang genetic disorder na nagdudulot ng dwarfism o pagiging unano. Halos 3 feet and 11 inches lang ang height niya nang siya ay mag-labindalawang taong gulang. Nang siya ay iluwal, hindi nga halos naramdaman ng kaniyang ina na siya ay lumabas na sa kaniyang sinapupunan. Sinabi ng doktor na hindi magtatagal ang buhay ni Simon dahil sa kaniyang abnormal na pangangatawan. Hindi lang iyon. Mayroon rin siyang sakit sa puso kung kaya’t hindi siya maaring makaramdam ng sobrang pagod o anumang “emotional stress”. Dahil sa kaniyang kalagayan, nahirapan ang kaniyang magulang na tanggapin ang mga pangyayari. Dahil rejected siya sa bahay, hinanap niya ang pagmamahal ng isang magulang sa ina ng kaniyang matalik na kaibigan na si Joe. Nang siya ay nag-aaral na, lagi siyang pinagkakatuwaan ng kaniyang mga kaklase. Minsan, pinagpasa-pasahan siya na parang isang manika. Isa lang ang naging kaibigan niya, si Joe. Sa pag-uusap ng dalawa, laging sinasabi ni Simon na may dakilang plano ang Diyos sa kaniya sa kabila ng kaniyang kapansanan. Sinabi niyang ipinanganak siya upang maging bayani sa paningin ng marami pagdating ng panahon.

Minsan, isang trahedya ang naganap. Nahulog ang sinasakyang school bus nila Simon sa nagyeyelong ilog. Habang lumulubog ang sasakyan, hindi malaman ng mga batang nakasakay kung sino ang magliligtas sa kanila. Dahil si Simon ang pinakamaliit sa grupo (mga grade-schoolers ang kasama niya), siya ang gumawa ng paraan upang makalusot sila sa bintana ng lumulubog na bus. Isang bata ang pilit niyang inangat pataas habang nasa ilalim siya ng napakalamig na tubig. Dahil inuna niya ang mga bata, naiwan siya sa loob ng sasakyan. Sinagip siya ng kaniyang kaibigan na si Joe. Sa ospital, doon unting-unting binawian ng buhay si Simon. Isang ngiti ang iniwan niya sa kaniyang mga mahal sa buhay. Doon naunawaan ni Joe ang tunay na kahulugan ng buhay ng kaniyang kaibigan---ang ialay ang kaniyang sarili upang mabuhay ang iba. Doon siya naniwala na mayroon talagang Diyos na may-akda ng buhay sa daigdig.

Natunghayan ko ang mga eksenang ito sa pelikulang Simon Birch (1998). Tulad ni Joe, mas naramdaman ko ang kahalagahan ng pag-alam sa tunay na kahulugan ng buhay. Tulad ng kaisipan ni Simon, kailangan nating isapuso na may plano ang Diyos sa ating lahat. Kung mauunawaan lamang natin ang kahulugan ng ating pagiging kabataan, hindi natin masasayang ang ating panahon sa paggawa ng mga bagay na hindi mahalaga at walang kabuluhan.

The book of Ecclesiastes (which means “preacher”) offers us golden truths on how to live the prime years of our lives. Naintindihan ni Solomon na hindi sapat ang kayamanan, katanyagan at karunungan upang matamo ang tunay na kaligayahan. Siya ang pinakamatalinong tao ng kaniyang panahon. Walang nakadaig sa kaniya sa buong Ehipto at Gitnang Silangan.[i] Isa siyang dakilang propesor pagdating sa agriculture, animal husbandry, marine science at marami pang iba. Sa kabila ng lahat, hindi napunan ng kaniyang karunungan ang tunay na kasiyahang kaniyang hinanahap. Sa kaniyang pagtanda, hinanap niya sa maraming bagay ang mga kasagutan. Naghanap siya sa mga diyus-diyusan[ii], pagsasaliksik sa iba’t ibang karunungan,[iii] pagtikim ng masasarap na pagkain[iv], pagpapaganda ng kaniyang palasyo,[v] pakikipagniig sa iba’t ibang babae (mayroon siyang 300 asawa at 1,000 concubines)[vi] at marami pang iba. Sa huling bahagi ng kaniyang buhay, isinulat niya ang lahat ng kaniyang natutunan, at ninais niyang iparating ang lahat ng ito sa mga kabataan. Solomon wrote in Ecclesiastes 11:9-10 (MKJV) his description and evaluation of the character of the youth.

CELEBRATE LIFE!

“Rejoice, in your youth, young man…”

Life is meant to be lived very positively. Kailangan tayong magpakaligaya subalit kailangan nating malaman kung ano talaga ang makabuluhan at mahalaga. Often we are satisfied with things that does not satisfy, and which will be judged as empty and meaningless by God in the end. Ang isinulat ni Solomon ay isang paalala, a warning per se. Kahit siya ang pinakamatalinong tao sa buong mundo, maraming pagkatataong hindi siya naging matalino sa paggamit ng kaniyang buhay. Palagay ko, hirap na hirap si Solomon, lumuluha, o humahagulgol habang sinusulat ang huling chapter ng kaniyang libro. Bumabalik sa ala-ala niya ang lahat ng kaniyang kamalian at maaring sumagi sa kaniyang isip na marami nang bagay na hindi na niya maitutuwid. Kung kaya, binabalaan na Niya ang mga kabataan sa lahat bagay kung saan sila maaring magkamali.

Kailangang mag-enjoy ang lahat sa panahon ng kanilang kabataan. Maraming binigay ang Diyos sa atin na kailangan nating ma-enjoy: kayamanan, magandang trabaho, masarap na pagkain, maayos na relasyon at marami pang iba. Walang masama sa pagtingkilik ng mga iyon. Kung sa murang edad pa lamang natin ay panay lungkot na ng buhay ang ating mararanasan, siguradong babaunin natin ang mga miserableng alaala sa ating pagtanda. We must enjoy our youth dahil minsan lamang tayo magiging bata.

Ang problema nga lamang ay maraming kabataan ang nasasanay sa sobrang kasiyahan. Nabubuhay para lamang sa kasalukuyan. Walang iniintindi para sa kinabukasan. Ayaw mag-isip ng problema dahil gustong laging worry-free ang buhay. Hindi kumpleto ang araw kung hindi makapunta ng mga acquaintance parties, sayawan, at mga gimmicks. They just enjoy life and have fun. Marami sa kanila ang may pilosopiyang, "Let us eat and drink, for tomorrow we die!".[vii] Parang hanggang ngayon na lamang mabubuhay at kung mamamatay, e di mag-enjoy muna! Ang iba naman halos ayaw nang mangarap. Sila ang mga kabataang “Que sera, sera” (Whatever will be, will be...).Kung saan dalhin ng pagkakataon, bahala na. Kung papasa sa exam, papasa, kung hindi papasa, okey lang.

Maraming pagkakataon ang mga kabataan upang gawin ang lahat ng kanilang maibigan. Marami “trip” sa buhay dahil sa lakas ng kanilang taglay. The glory of young people is their strength.[viii] Minsan, isang agila ang nahuli ng Haribon Foundation sa Mindanao na naghihingalo na dahil sa tama ng bala mula sa mga illegal hunters. Nabigla sila nang makuha nila sa katawan ng agila ang mahigit sampung iba’t ibang bala. Ibig sabihin, natagalan ng ibon ang lahat ng iyon sa matagal na panahon nang walang gamutan. Kung ganoon kalakas ang isang agila, ganoon rin ang lakas na pinagkakaloob ng Panginoon sa lahat ng kabataan.[ix] Malaya silang nakagagalaw at nakakalipad. Halos walang kapaguran. They can get involved in many activities like sports, dance contests, mga music bands nang sabay-sabay. Restless at ayaw na ayaw na walang ginagawa. Kung kaya, kailangang maiwasto ang mga bagay na pinaglalaanan ng mga kabataan ng kanlang lakas at sigla. They should offer the prime years of our lives for the service and glory of God.

“…and let your heart cheer you in the days of your youth…”

Dahil gustong mag-enjoy sa buhay, hindi matatawaran ang tapang at lakas ng loob ng mga kabataan. Out of curiosity, susubukan ang lahat ng bagay kahit makipaglaro sa kamatayan. Nakikipag-unahan sa mga “Extra Challenge,” “Amazing Race” o “Fear Factor” competitions. Ilang beses pumapasok sa mga horror houses sa mga carnivals. Nanonood ng mga horror movies sa mga sinehan (nagbabayad ng pera para takutin ang sarili), nagsi-swimming sa mga beaches at resorts kahit walang kasama sa kalagitnaan ng gabi, umaakyat ng mga nagtataasang mga bundok at pumapasok sa mga madidilim na kweba (spelunking), nagro-road trip kahit hindi alam kung saan pupunta. Kung hindi pa makunteto, sumasama pa sa drag racing o karera ng mga humaharurot na mga kotse. Daig naman ng iba ang mga sirkero sa circus sa pag-aacrobatics sa mga motorsiklong kumakaripas ang takbo. Kung hindi pa rin talaga mabusog sa lahat ng ito, susubok ring mag-bungee jumping mula sa pinakamataas na lugar para makaranas ng kakaibang “thrill” sa buhay.

Kakabit ng kanilang pagiging adventurous ay ang kapusukan ng kanilang puso. Many are often aggresive and out of control. Nakakalimutang mag-isip nang makailang beses bago gawin ang maraming bagay. Sa larangan ng pag-ibig, basta kumalabog ang dibdib, laging iniisip true love na iyon! Laging nauuna ang emosyon at ang pagnanais na madama ang sarap na dulot ng relasyon. Dahil dito, marami ang nahuhulog sa tukso at kasalanan. Maraming dalaga ang “nakakalunok ng pakwan“[x], samantalang ang mga binatilyo namn ay “nakapagtatanim ng pakwan“ nang wala sa tamang panahon. Hindi kasi concerned sa mga consequences ng maling desisyon. Kung sumagi man ang mga iyon sa isipan, ang kalimitang asal: “Tsaka na natin problemahin iyon! Ang mahalaga ay iyong ngayon..“

“…and walk in the ways of your heart, and in the sight of your eyes…”

Young people often follow the impulses and ways of their heart. They want to be in charge of their lives. The drive for independence is often intense. Ayaw na ayaw papakialaman. Sambakol ang mukha kung napupuna ng magulang ang damit na isinusuot, mga magazines na binabasa, mga pelikulang pinapanood, mga CDs na pinakikinggan at marami pang iba. Hate na hate makarinig ng mga komentong kokontra at magbabawal sa kanilang ginagawa. Madalas, ang gusto ang laging nasusunod. Ang laging sinisigaw: This is my life! I want to do things my way! (ala Frank Sinatra). Sadly, this attitude can go extreme, leading to rebellion. Lumalayas sa bahay dahil ayaw na ayaw maririnig ang boses ng galit na magulang. Pero nang kumalam ang sikmura dahil wala nang mapuntahang kaibigan, bumabalik pa rin sa tahanan. Hindi ko malilimutan nang minsang magtampo ako sa aking nanay nang pagalitan niya ako noong ako ay Grade 3 pa lamang. Sumiksik ako sa isang sulok at nagmukmok. Dahil sa matinding pride, hindi ako kumain nang tanghalian at gabihan. Kahit pinapakain ako, tinataboy ko ang inihahain sa akin. Nang dumating ang madaling araw, unti-unting nawawala na ang pride power ko. Nanginginig na ako sa gutom. Hindi ako makatulog sa gutom. So, ano ang nangyari? Tinimplahan ako ng gatas ng nanay ko dahil sa aking panginginig. Kailangan ko nang lunukin ang pride ko. Ininom ko ang napakasarap na gatas at pinagpawisan nang husto dahil sa sobrang kalam ng aking sikmura. May isang TV show host ang minsang nagbiro, “Huwag lalayas ng bahay kung hindi kayang pangatawanan ang pagrerebelde.” There is an enduring reality—young people are still dependent on their families. Hindi kailanman makakatulong ang magtanim ng galit sa ating mga magulang.

Idealistic at punong-puno ng pangarap ang maraming kabataan. Many, especially university students, desire to introduce positive changes in their communities. Their idealism compels them to resist the evils of society. Ang ugaling ito ay lutang na lutang sa mga kabataang TIBAK (aktibista). They clamor for a social revolution because they want to introduce a new social order (hanep sa termino a!). Patuloy silang lumalabas sa kalsada at nakikibaka sa gobyerno alang-alang sa tinatawag nilang social emancipation o paglaya ng mga mamamayan mula sa kahirapan, kawalan ng katarungan, katiwalian sa gobyerno at marami pang iba.

Dahil hindi pa nararanasan ang masasakit na trahedya ng buhay, they are more optimistic than the oldies (mga matatanda). Dahil wala pang ideya sa mga bagay na haharapin, laging handang sumugod sa anumang labanan. On one hand, since they don't know what can't be done, they often achieve great things. On the other hand, may kakabit na problema ang ganitong attitude. Young people are sometimes naïve. Ibig sabihin, walang muwang sa maraming bagay, immature and inexperienced. If they don’t have the experience, they cannot weigh the consequences of their actions. Kapag sumabog na ang problema, laging natutulala sa sobrang pagkabigla: “Ay, ganun pala yun. Di ko alam e.” Charge to experience na lang.

Kakabit ng ideyalismong ito ay ang paghahanap nila ng mga idolo o mga personalidad na gagayahin at susundan. One expression of this character is the teenagers’ collection of pictures and posters of famous superheroes, rock stars, singers and showbiz stars. Kapag pumasok ka sa kuwarto ng ilan, halos tiles na lang ng restroom ang walang poster. Bakit? They are searching for role models who can inspire them. At the same time, they imitate them. Ito ang dahilan kung bakit madali silang madis-ilusyon sa maraming bagay. Madalas silang madismaya sa mga taong inaasahan nilang magiging dakilang halimbawa. Ika nga ng isang information advertisement: Ang ginagawa ng matanda ay nagiging tama sa mata ng isang bata. Nalilito ang maraming kabataan sa kung ano ang tama dahil sa kamalian ng mga taong kanilang tinitingala.

THE GREAT WARNING

“…but know that for all these things God will bring you into judgment…”

There is a serious warning. Sa lahat ng ating ginagawa, God will bring us into judgment. Walang masama sa pag-eenjoy at pagbubuhay-kabataan. Siguraduhin lamang natin na hindi natin sinasaktan ang puso ng Diyos. Hindi sinasabi ni Lord, “Sige gawin mo ang lahat mong gawin, magpakasaya ka, pero tatandaan mo, babalikan kita pagdating ng araw para parusahan sa lahat ng iyong masasama at likong gawa” Sa halip, ito ang nais Niyang ipaabot sa lahat: “Gawin mo akong bahagi ng iyong kabataan. Tutulungan kita kapag mahirap na ang mabuhay. Payagan mo lamang Akong makialam sa iyong buhay.” Nais Niya na malayo tayo sa pasakit na bunga ng masasamang hilig at asal ng kabataan. Most young people spend the first half of their lives making the second half miserable. Ano ngayon ang payo ni Solomon sa lahat ng kabataan upang maging smooth-sailing ang kanilang buhay?

“…Therefore remove vexation from your heart, and put away evil from your flesh; for childhood and prime of life are vanity.”

Kailangan nating tanggalin ang anumang pag-aalala sa ating isipan. The vexation of our hearts is the psychological problem we call anxiety. Solomon wrote about our emotional health. It is hard to delight in God when we are depressed and emotionally unstable. Maraming kabataan ang panay problema ang laman ng utak. Hindi na ngumingiti dahil laging problema ang iniisip. Hindi na kayang solusyunan ng mga stress tablets at vitamins ang nararamdaman dahil sa sobrang depression. This should not happen. In our youth we should not let these things get us down. Else, magmumukha na tayong batang matanda dahil sa kulubot nating mukha.

Solomon also tells us us to put away pain from our flesh. We should get rid all forms of evil from our bodies. Kailangan alagaan natin ang ating katawan. Marami akong kaibigang vegetarian. Tinanong ko sila kung bakit pinili nila ang ganoong lifestyle. Obvious naman siguro ang sagot nila. They refrain from eating pork because of health considerations. Kapag bata tayo, wala tayong pakialam sa ating kalusugan. Kain lang ng kain ng sangkaterbang junk foods at lumalagok ng ilang litrong softdrinks na may kasamang matatabang pagkain na nagkaka-high blood. Wala pang exercise. Many youth are foolish to think that they are immortal. Dahil sa bata at malakas, sige lang ang inuman, kalayawan, at sarap ng buhay. Pero katulad ng makina ng sasakyan, may hangganan at limitasyon ang ating katawan. The decisions we make concerning our physical bodies in the days of our youth will echo through the rest of our lives.

To be spared from emotional and physical problems, we must avoid sinful pleasures. We often sin because it holds out some promise of pleasure or satisfaction. That promise makes us slaves until the time we realize that God is more to be desired than life itself. The sins of the world will cause us anxieties, pains and troubles.[xi] Sa una lang sila masarap. Sa kalaunan, tayo na ang kanilang lalamunin. Maraming nagugumon sa mga luho ng buhay. Ang resulta: nababaon sila sa utang dahil sa halos maupos na ang credit card sa sobrang gamit at pangungutang nang kabi-kabila. Marami namang kabataang hindi mabubuhay kung walang pangmumog na beer at alak. Wala sa ugali nila ang uma-absent sa mga wild parties. Sa mga gawaing ito natututunang humitit ng marijuana, shabu, ectascy at iba pang ipinagbabawal na gamot. Kung nasaan ang barkada, nakabuntot din sila—kahit sa mga ilegal na gawain.

May payo ako sa lahat ng mga kabataang ayaw matigil sa paninigarilyo. Bumili ng isang malaking alkansiya na hindi masisira sa matagal na panahon. Sa bawat stick ng sigarilyo na iyong hinihitit, maghulog ng dalawang piso (P2) sa alkansiya. Bakit kailangang mag-ipon? Ganito lang iyon. Kung sakaling nakakahitit ka ng 3 sigarilyo sa loob ng isang araw (3 x P2) may anim na piso (P6) ka na. Sa loob ng isang linggo (3 x P2 x 7 days), mayroon ka nang P42. Sa loob ng isang buwan, humigit-kumulang P170 na ang ipon mo. Sa loob ng isang taon, mayroon ka nang P2,040. Kung balak mong manigarilyo sa loob ng 20 taon, makakaipon ka ng humigit-kumulang P40,000. Saan naman natin gagamitin ang perang naipon? Gagamitin natin iyon sa iyong pampagamot dahil wala ka nang baga. Sa ganitong paraan, hindi ka na masyado mahihirapan o ang mga mahal mo sa buhay sa paghahanap ng pera para sa iyong mga hospital bills! Well, that’s a SERIOUS JOKE. Simple lang naman ang mensahe ng Panginoon: huwag sirain ang katawan sa pamamagitan ng ABS-CBN (Alak, Babae, Sugal-Cabaret, Bar at Nightclub) at iba pang masamang bisyo. Totoong-totoo ang kasabihang “Kung ano ang iyong itinanim, iyon ang iyong aanihin.”[xii] Hindi natin kayang dayain at linlangin ang Diyos. Puwede nating sabihin, “Magpapakasarap muna ako sa luho at bisyo, puwede naman akong iligtas ng Panginoon sa sakit at karamdaman in the future kasi LOVING and HEALING GOD naman Siya di ba?” Alam ng Panginoon ang takbo ng ating isipan. Hindi nagbabago ang Kaniyang prinsipyo: magtanim ka ng kasamaan, aani ka ng kasamaan.

Being responsible to God is the calling of all young people. Walang kabuluhan ang lakas ng ating kabataan kung ilalaan lamang sa mga bagay na magdadala sa atin sa kapahamakan. Halimbawa, kung sisirain natin sa bisyo ang ating katawan, makakaasa tayong aanihin natin ang mga sakit na dulot nito sa mga susunod na panahon. This is the reason we should remember and honor God in the days of our youth.



[i] 1 Hari 3:7-12, 4:30, 10:1-8

[ii] 1 Hari 11:1-13

[iii] Ecclesiastes 1:13b,18

[iv] 1 Hari 4:22-23; 10:4-5

[v] Ecclesiastes 2:4-9

[vi] 1 Hari 11:3

[vii]1 Corinthians 15:32

[viii] Proverbs 20:29

[ix] Isaiah 40: 30-31

[x] Ang terminong lagi kong ginagamit patungkol sa unwanted teenage pregnancies.

[xi] I John 2:15-17

[xii] Galacia 6:7