Friday, April 04, 2014

YOUTH MINISTRY WORKER TIPS: Ministry Boundaries

May positibo at negatibong implikasyon ang pagpapalalim ng relasyon sa ministeryo. Bagaman nais natin na mas maglapit ang ating puso, damdamin, kaluluwa at isipan sa ating mga miyembro kailangan din nating maunawaan na may mga boundaries na hindi natin dapat lampasan. We must establish “moral fences” in our ministry so that we may not be deceived by and fall into the trap of the enemy. Tandaan: our spirits maybe willing but our flesh is weak (Matthew 26:41).

KEEP PRIVATE THINGS PRIVATE. Tsismis ang isa sa sumisira sa samahan sa iglesya. Isang dalaga na may homosexual relationships in the past ang nag-email sa akin. Depressed siya dahil sa kung paano hinawakan ng church leadership ang kaniyang kaso. Nadiskubre ang kaniyang past relationships sa ilang miyembro ng ministry. Hindi alam ng kongregasyon ang isyu pero na-broadcast ng makakating dila mula sa leadership. Remember Jesus’s discipline protocol sa Matthew 18: private talk with the offender--->private conference kapag di nakinig sa isa-->public announcement kapag matigas pa rin ang puso--->excommunication kapag talagang ayaw paawat sa masamang gawa.  Sa bawat estado na ito, kapag humingi ng tawad, tinatapos ang kaso. Of course, kailangang dumaan sa rehabilitation program ang nagkasala. Paano natin ma-aaply ang prinsipyong ito? Kapag nagtapat sa inyo ang isang kabataan about sexual issue, for instance, dahil nais humingi ng tulong, huwag nang ipangalandakan sa mga taong hindi involved. You must be trustworthy sa kaniyang lihim. Kaya maraming hindi nagtatapat ng sexual sins dahil sa kahihiyang kanilang aabutin. Mabuti nga at nagtapat dahil na-convict ng Banal na Espiritu. Apply what I call “transition grace” in this situation at tulungan siyang makabangon. Ngunit dapat na mayroong recovery program ang iglesya sa bagay na ito.

BEWARE OF TOO MUCH PHYSICAL EXPRESSION. Mahalaga ang non-sexual physical touch sa ministeryo. Pero kailangang maingat tayo sa bagay na ito. Ang opposite sex, opposite sex. Hindi kumo nais nating maging ate o kuya sa mga youngsters ay magagawa na natin ang ating gusto. Yakap dito, yakap diyan, Beso dito, beso diyan, beso everywhere. Para sa iba, wala naman daw malisya ang kanilang ginagawa. As a rule, limit your physical touch. Huwag mo nang tangkaing makipag-flirt sa kaaway at baka bumagsak ka nang tuluyan. Anumang pupukaw sa mga sensual feelings ay hindi na dapat ginagawa. I can only recommend side hugs for opposite sex and holding hands. Same-gender hugs are recommended (unless alam mong may same-sex attraction issues ang yayakap o yayakapin). Ano ngayon ang definition ko ng “too much”? This maybe subjective but “too much” for me is any action that would spark the plug of your sexual/sensual desires. Ladies, mababa ang threshold ng mga kalalakihan sa physical temptation kaya huwag kayong masyadong touchy at huggy. Guys, pakitunguhan ang mga babae bilang kapatid sa Panginoon (1 Timothy 5:2). Kayo na ang umiwas.

NO TO “CLOSE DOOR MEETINGS” WITH THE OPPOSITE SEX. Karugtong ito ng nauna. Napaka-basic nito sa ministeryo. Don’t do anything with the appearance of evil (1 Thess. 5:22). Kahit na sinasabi ninyong walang malisya at malinis ang motibo ng inyong puso, never give the devil a foothold (Eph. 4:27). Isa sa mga naging kasunduan ni Billy Graham, considered as the greatest evangelist of 21st century, kasama ang kaniyang mga staff na lalake ay huwag na huwag silang makikitang kasama ang ibang babae maliban sa kanilang asawa kung sila ay nag-iisa (i.e. loob ng kotse, elevator). Matindi ang gawa ng kaaway pagdating sa sexual sins sa mga panahong ito. Meet in public place kung hindi maiiwasang kayong dalawa lang ang maguusap. Pero huwag isipin ng mga kababaihan na sila lagi ang nabibiktima. Maging ang mga lalakeng lingkod ng Panginoon ay nahuhulog sa patibong ng sexual seduction ng kanilang mga miyembrong babae na naghahanap ng pagmamahal. Lahat ng single and so-called “yummy” pastors ay may kuwento sa bagay na ito. At marami sa kanila ay bumigay sa pagkakasala.

NO TO “CONTROVERSIAL” RELATIONSHIPS. Dito maraming bumabagsak at lumalapit sa akin for counseling. Nainlab sa youth na inaalagaan at “mutual” ang feelings. Ang problema menor de edad pa ang kabataan at ang leader ay nasa marriable age na. Hindi ko sinasabing kasalanan ang makabuo ng love story sa loob ng church. Honestly, I believe na dapat nga talaga mas unahin ang mga  nasa loob na church sa listahan ng potential partner kasi mas kilala mo na sila. Kung wala talaga, tsaka na tumingin sa ibang bakuran (just don’t violate the 6:14 rule). Nonetheless, we must never confuse our role as youth ministers sa ating mga romantic desires and projects. Baka ma-disillusioned ang ating miyembro lalo na kung tayo pa ang nagsasabi, “Say No to Early Dating” pero muka’t mukat mo ay ikaw pa ang nauuna at takam na takam na magka-BF/GF. This is foremost a matter of temperance and modelling. Temperance because we have to consider first the ministry implications of our actions Modelling because we have to live the message we espouse. In many cases, the interests of our ministry should rise above our personal motivations.

NO TO EMOTIONAL AND POWER ABUSE. Ministry leaders can play with emotions and power. Maaaring mag-power trip ang mga wala sa hulog ang ugalit. Puwede mong utusan ang youth mong ibili ka ng pandesal tuwing umaga at sabihing parte iyon ng kaniyang discipleship training. Puwede mong papuntahin ang isang kabataan sa inyong bahay at siya ang maglaba at maghugas ng pinggan at sabihin na tinuturuan mo lang siyang matuto ng gawaing bahay. Well, God knows the motives of your heart. We must see our youth members as disciples to be loved, not objects of power-tripping. Ganundin, as they confess their sins and pains, huwag nating paglaruan ang kanilang damdamin. We can easily sway their emotions to our selfish desires. Some leaders are prone to dangerous emotional attachments sa kanilang miyembro.  Isa sa mga dapat nating iwasan ay ang emotional co-dependence o matinding emotional attachment na maaaring humantong sa paglayo sa mga dapat na una nilang nakakarelasyon, especially ang kanilang mga magulang. Leader can create "soul ties" with their members. Their first allegiance is with the Lord, not with us. We just facilitate the process of them achieving Christ-likeness.

NEVER MESS WITH PARENTS.  Classic cases muna tayo. Case one: Isang youth ministry leader ang bumisita sa bahay ng kaniyang miyembro para ipagpaalam ito na makasama sa camp. Hindi pumayag ang magulang. Nakipagdebate ang youth ministry leader na naging dahilan para magalit ang nanay. Dahil dito, hindi na pinayagan ang kabataan na dumalo sa church. Case two: inihatid ng youth ministry leader ang bata sa kanilang tahanan dahil gabi (10PM) na natapos ang practice sa church. Walang kaabog-abog, nang dumating sila sa bahay, sinampal ang bata ng kaniyang nanay sa sobrang galit. Shock, of course, ang youth leader. Ang aking basa: hindi maganda ang record ng youth ministry leader sa pamilya ng kabataan. Kumbaga, iyon ang final nail sa tensyon ng dalawa. Never antagonize the parents. To some extent, with regard to their kids, their rules prevail. You can only do so much as a youth minister. Hindi rin dapat ituring ang mga magulang na kontrabida kundi partner sa ministeryo. Para mapalapit ang damdamin mo sa mga magulang ng iyong mga kabataan, interact with them by praying for them and updating them about the schedule of your ministry activities. TANDAAN: Sila ang guardian, hindi ikaw. Kung ano ang gusto nila, sunod ka lang. Hindi ikaw ang magulang at nagluwal sa kanila. Kaya huwag nang makikipagtalo kung ayaw pasamahin ang kabataan mga meetings at lakad sa ministeryo. Kapag pumayag sila na isama ang kanilang anak sa inyong gawain, pakaingatan ang kanilang tiwala. Sa ganitong pagkakataon, “ipinahihiram” lang nila ang isa sa pinakamahal nilang kayamanan sa mundo. Kaya kahit may waiver form pa silang pinirmahan, kargo de konsensiya mo pa rin at nakapasan sa iyong balikat kung may masamang mangyari sa kanila.

Thursday, March 27, 2014

WORLD VISION-USA AT ANG SULONG-URONG NA HOMOSEXUAL HIRING POLICY

Ginulantang ng World Vision-USA ang sangka-Cristianuhan nang ihayag nito noong ika-24 ng Marso ang bagong polisiya na tumatanggap sa mga homosexuals sa legal same-sex marriages bilang kanilang staff. Ayon kay  Richard Stearns, pangulo ng World Vision, ang kanilang desisyon ay isang simbolo ng pagnanais ng organisasyon na magkaisa ang mga Christian organizations ukol sa usaping ito, anuman ang kanilang posisyon sa isyu ng same-sex marriage. 

Marami ang hindi natuwa sa pananaw na ito ng World Vision-USA. Isa sa naglabas ng position paper ay ang Assemblies of God at pinagsabihan ang mga miyembro nito na tumigil na sa pagbibigay ng suporta sa organisasyon at ilagak na lamang nila sa ibang charitable organizations. Ganundin, nagbanta ang mga tumutulong sa kanilang sponsor-a-child-programs na ititigil ang kanilang suporta. Mahigit sa $500 milyon sa $1 bilyong pondo ng World Vision taon-taon ay nagmumula sa mga private donors.

Matapos ang dalawang araw, bunga ng kabi-kabilang batikos, binawi ng World Vision-USA ang kanilang desisyon. Inamin ni Stearns na nagkulang sila sa konsultasyon ukol sa bagay na ito at humingi sila ng kapatawaran sa lahat ng kanilang partner organizations na umalma  sa kanilang ipinayag na polisiya. 

Paano natin uunawain ang sulong-urong na polisiya ng World Vision-USA?

Ang World Vision-USA ay sinusuportaha ng mahigit 50 Christian denominations  na may iba’t ibang pananaw ukol sa usapin ng kasal, diborsiyo at same-sex marriage. Ito marahil ang nagtulak sa organisasyon na maging liberal sa kaniyang polisiya. Nakabase rin ang World Vision-USA sa bansang mataas ang pagkiling sa same-sex marriage. Ang home state ng organization, ang Washington,  ay pabor sa batas na ito. 

Ayon kay Stearns, hindi sakop ng World Vision bilang parachurch organization, ang pagdedesisyon kung ano ang pananaw ng mga local churches sa same-sex marriage. Ang kanilang nangingibabaw na misyon ay tularan si Cristo at tulungang makakawala ang marami mula sa kahirapan. Sa website ng organization, ito lamang ang nakalagay pagdating sa kanilang articles of faith: “Our faith in Jesus is central to who we are, and we follow His example in working alongside the poor and oppressed. We serve every child in need that we possibly can, of any faith, or none. We partner with churches throughout the world, equipping them to meet the needs of their communities.”

Marami ang nagbubuhos ng salapi sa organisasyon dahil nakakapit dito ang pagkakakilanlan na isa itong “Christian organization” na sa pananaw ng marami ay sumusunod sa tradisyunal at Biblikal na disenyo ng pamilya. Bagaman ipinahayag World Vision na ang kanilang binawing polisiya ay hindi pagi-endorso sa same-sex marriage, para sa iba, nagbibigay pa rin ito ng puwang upang kilalanin ang ganitong uri ng pagsasama.

Pinapalutang rin ng isyung ito ay ang kahalagahan sa mga organisasyon ng malawakang pakikipag-usap sa maaaring maapektuhan ng posisyon ukol sa mga sensitibong isyu ng lipunan. Maaaring salungain ng iilang lider ang posisyon ng nakararaming miyembro. 

Ngunit huwag ipagkamali na ito ay usapin lamang ng paramihan ng bilang ng pabor o hindi pabor sa patakaran. Mas mabuting pagtuunan ng pansin ang pagbabago ng pananaw ng maraming iglesya ukol sa pagtanggap sa pagsasama ng magkaparehong kasarian at bumuo ng isang pamilya. Sadyang nagbago na ang panahon.

Kung isang secular charity organizations ang World Vision, hindi lilikha ng malaking alingasngas ang bagay na ito. Pinalutang lamang ng pahayag ng World Vision-USA ang mainit na debate sa Amerika na hindi naman malaking isyu sa ibang bansa. Sa ibang country programs ng organisasyon, lalo na sa mga bansang Muslim, nagagawa namang kumuha ng mga Muslim na empleyado bagaman kailangan nilang sumunod sa mga “Christian standards” na itinakda ng organisasyon. Sa paningin ng marami, ano  ang pinagkaiba nito sa pagkuha ng empleyadong nasa same-sex relationships? 

Ang nangingibabaw na tanong sa kasalukuyan ay: Ano ang dapat unang isaalang-alang sa paglikha ng polisiya ng World Vision? Ang misyon nito na tulungan ang mahihirap? Ang doktrinang ebangheliko na kakabit ng kaniyang pagkakakilanlan? O ang mga funders nito na may malaking kontribusyon sa kaniyang operasyon? 

Ang liderato lamang ng World Vision ang makakasagot nito.

Tuesday, March 25, 2014

GUARD YOUR HEART

Proverbs 4:23 (NIV) - Above all else, guard your heart, for it is the wellspring of life. 

I have been counseling teenagers, singles and couples for quite some time. I should say that majority, if not all, of their concerns stemmed from their failure to temper their emotions. This is the reason King Solomon admonished all to be cognizant of the unpredictable nature of our hearts so that we can be spared from unnecessary emotional stress and depression.

It must be noted that the word “heart” in this verse (labe in Hebrew) refers not to our beating muscle (cardio) but rather to our whole being—our  feelings, will and intellect. Therefore, the accurate rendition of this verse should be “Above all else, guard your whole being...” A holistic perspective in this matter is in order. We must always be on our toes because our emotions can have a serious impact on other areas of our lives.

Guarding our heart should be our UTMOST priority (“above all…”) since it affects everything we do. It is compared to a wellspring. The logic is deceptively simple: contaminated source results in dirty water; good source produces a pure one. In the same manner, if your heart is full of sin, your actions confirm it (Luke 6:45). Our heart reveals and defines who we are (Matthew 15:18).

WHY GUARD OUR HEARTS?
You don’t guard something that is already sheltered and protected. Not with our heart which is under constant attack by the sinful world and the devil who does not grow weary of deceiving us. Have you seen believers gave up attending church fellowships and Bible study sessions and getting far away from God each and everyday? Earthly things can leave your spirit dry (1 John 2:16). The devil is like a roaring lion seeking whom he may devour (1 Peter 5:8).

Bear in mind that we cannot depend on our hearts to navigate the course of our lives. It is primarily deceitful and can lead us to wrong judgment and directions (Jeremiah 7:8). What feels good may not be always right. Our rebellious, sinful nature makes us prone to reject the authority of God. As prophet Isaiah wrote, those whose spirits are dead because of sin are like sheep that have gone astray, rebelling against God and doing their selfish ways (Isaiah 53). The condition of our heart also determines the extent we can truly experience the presence of God. Only those with pure hearts can see God (Matthew 5:8, Psalm 24).

PUTTING A HEART-PROTECTION GEAR
Guarding your heart is your moral responsibility. Nobody can guard it for you. Discipline is the key. This necessitates abstinence from things which can expose you to dangerous emotional attachments. You must have the firm resolve to always check your motives and desires.

Let God search and change you from the inside out. You need to surrender everything to Him as He will never force you to follow Him. He cannot transform you unless you are willing to be changed (Revelations 3:20). As you commune with Him, you will be changed in His image from glory to glory (2 Corinthians 3:18).

Be consumed by the Word of God. As David wrote, “How can a man keep his way pure? By living according to your word.” (Psalm 119:9). The Word of God shall renew our minds which are being defiled and corrupted by secular concerns. As we immerse in God’s Word, our minds are renewed and become capable of knowing God’s will (Romans 12:1-2).

Keep your heart free from sin. If you regard iniquity in your heart, the Lord will not hear (Psalm 66:18, Isaiah 59:1-2). Any concealed sin in our lives will always be a “public scandal” in heaven. Be transparent about your feelings. 

God does not want just a section of our heart. He wants all of it. He commanded that we should love Him with  ALL of our heart (Matthew 22:37, Luke 10:27). In everything, we must trust Him with ALL our heart (Proverbs 4:5-6). Give Him everything. Not half. Not a fourth. All of it. 

I am always reminded by a wonderful song which I have been singing since I surrendered my life to the Lord more than 18 years go.

A pure heart, that's what I long for.
A heart that follows hard after Thee;
A pure heart, that's what I long for.
A heart that follows hard after Thee.

A heart that hides Your Word
So that sin will not come in.
A heart that's undivided
But one You rule and reign;
A heart that beats compassion,
That pleases You, my Lord.
A sweet aroma of worship
That rises to Your throne.

May we all have a heart that pleases the Lord.

Tuesday, February 18, 2014

PAGPIPIGIL SA PANGGIGIGIL: PREMARITAL SEX AT KABATAANG PINOY

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng UP Population Institute, ang Young Adult Fertility and Sexuality Survey (YAFFS 4) para sa taong 2012, tumaas ang porsyento ng mga kabataang Pinoy edad 15 hanggang 24 na nakikipag-premarital sex. Mula sa 23 percent noong 2002, umangat ito sa 32 percent sa mga nagdaang taon.

Bukod sa paglabag sa mga moral na pamantayan, alam nating hindi makakabuti sa mga kabataan ang maagang pakikipagtalik na maaring magtulak sa kanila sa mga hindi napapanahong responsibilidad. Maraming mga kabataang babaeng nabubuntis ang hindi na nakakapagtapos ng pag-aaral. Ganundin, kalimitang unprotected mula sa mga sexually transmitted infections (STIs) ang mga kabataang nakikibahagi sa premarital sex dahil sa kakulangan ng kaalaman ukol sa bagay na ito.

Kailangang magtulungan ang pamilya, pamahalaan, media at simbahan upang maresolba ang lumalaking isyu na ito. Higit sa pagkundena sa mga kabataang nakakagawa ng premarital sex, nabubuntis at nakakabuntis, mahalagang pagtuunan natin ng pansin ang mga bagay sa lipunan na nagtutulak sa kanila upang makipagtalik nang maaga.

Nagsisimula ang lahat sa pamilya. Paikot-ikot ang siklo ng maagang pagbubuntis kung ang mga magulang ng mga nabubuntis at nakakabuntis ay walang sapat na kaalaman at hindi handa sa responsibilidad ng pagpapamilya. Nangunguna na rito ang mga kababaihan na siyang magdadala sa sinapupunan ng kanilang mga sanggol. Ipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili, bago, tuwing at pagkatapos nilang magbuntis. Bigyan ng maayos na kaalaman ang kabataan ukol sa reproductive health and responsible sexuality.

Resolbahin ang kahirapan. Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit kulang sa karunungan ang maraming kabataan at marami pagdating sa usapin ng sex. Idagdag mo pa ang masasamang impluwensiya ng kanilang mga kabarkada.  Hindi pumapasok sa eskwela dahil walang pang-matrikula. Hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil kailangang magtrabaho. Isa rin sa nagtutulak sa mga kabataan upang pumasok sa relasyon sa murang edad ay ang kawalan ng mapagkakaabalahan. Kailangang bigyan ng oportunidad ng pamahalaan at ng lipunan ang mga kabataan upang paunlarin ang kanilang sarili.

Dapat ring maging responsible ang media sa pagpapahayag ng kanilang opinyon ukol sa pakikipagtalik. Sa pagdaan ng panahon, wari ay nagiging sport na lamang ang sex sa mga pelikula, telenovela, magazines at mga librong ipinapamudmod sa mga kabataan. Kailangang basagin ang mga maling konsepto sa pakikipagtalik na siyang bumibihag sa utak ng maraming kabataan. Ang pakikipagtalik ay hindi lamang isang pisikal kundi maging isang espiritwal na gawain. Ang Bibliya na mismo ang nagsasabi na pinag-iisa nito ang pagkatao ng dalawang taong nagtatalik (Mateo 19:5-6) kung kaya’t hindi dapat ginagawa ng mga taong hindi handa sa matinding responsibilidad.

Higit sa lahat, kailangang matutunan ng maraming kabataan ang kontrolin ang kanilang sarili at patatagin ang kanilang pananampalataya sa Panginoon. Ayon din sa YAFFS, isang preventive factor sa premarital sex ay ang palagiang pagdalo sa mga religious services. Maraming nakikipag-premarital sex ang kulang sa pagmamahal at naghahanap ng pag-ibig sa ibang tao. Sa Panginoon, kumpleto ang bawat isa. Ang anumang kakulangan sa pagmamahal ay mareresolba kung matututunan nilang umasa sa hindi magmamaliw na pag-ibig ng Diyos para sa lahat ng kanilang emosyonal na pangangailangan.

Balikan natin ang sinabi ni Apostol Pablo sa mga taga-Tesalonica (1 Tesalonica 4:3-8): “Ibig ng Diyos na kayo'y magpakabanal at lumayo sa kahalayan. vDapat maging banal at marangal ang layunin ng sinuman sa kanyang pag-aasawa, at hindi pagsunod lamang sa pita ng laman, tulad ng inaasal ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos. Sa gayon, hindi yuyurakan ninuman ang karapatan ng kanyang kapwa ni pupugayan man ng dangal. Tulad ng sinabi namin sa inyo noon pa at mahigpit na ibinabala, parurusahan ng Panginoon ang gumawa ng ganitong kasamaan. Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kalinisan, hindi sa kahalayan.  Kaya, ang sinumang humamak sa aral na ito ay humahamak, hindi sa tao, kundi sa Diyos na siyang nagkakaloob sa atin ng kanyang Espiritu Santo.”

Ang Opinyon ng Pilipino ay isinulat ni Ronald Molmisa ng Pananaw Pinoy. Dahil sa isang bansang may demokrasya, opinyon ng bawat isa ay mahalaga.

Friday, January 03, 2014

ANG KESO AT ANG DAGA

Isang munting daga ang nainlab sa isang cute na "keso". Ang problema, ini-snob siya ng "keso" at sadyang hindi cheesy sa kaniya. Walang spark. Kaya pilit itong lumalayo sa kaniya. Kahit saan magpunta ang keso, hinahabol ng pobreng daga. 

Nakarating sila Ifugao Rice Terraces. 

Naghabulan sa Mount Fuji sa Japan. 

Munting nang magpang-abot sa Burj Khalifa Tower sa Dubai. 

Inakyat ni daga ang Eiffel Tower sa Paris dahil doon nagtago ang keso. Pero hindi niya na naabutan. Nakasakay na ng eroplanong dumaan. 

Nakarating sila sa Disneyland sa Florida, USA. Then, pabalik sa Milan, Italy. Nagpunta rin sa Taj Mahal sa India.

Hingal na ang daga pero sige lang. Takbo lang nang takbo ang keso. 

Nakabalik na sila sa Pinas. Naghabulan sa Mayon Volcano sa Albay. Sinisid ang mga beaches ng Boracay. 

Pero nang dumating sila sa Palawan Underground River, nasukol na ang pagod na pagod nang keso. 

Tuwang-tuwa ang daga. "Aha, sa akin ka na!" Sabay subo sa keso na matagal na niyang inaasam at pinapangarap. Yummy. 

Nabusog ang daga. Pero pagkatapos ng ilang minuto bumula ang kaniyang bunganga. 

Expired na pala. Inamag na dahil sa kahahabol sa kaniya.

Tama ang sinasabi ng Bibliya.

Mateo 16:25 - Sapagkat ang sinumang nagnanais magligtas ng kanyang buhayd ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay makakatagpo nito.

Mark 8:36 – Sapagkat ano ang mapapakinabang ng tao na makamtan ang buong sanlibutan, at mapahamak ang kanyang buhay?

Friday, November 22, 2013

PROPESIYA, PANGAMBA AT PAGBABALIK-LOOB

Ilang katanungan ang natanggap ko ukol sa kumakalat sa social media na mga propesiyang binitiwan ng dalawang Indian prophets--si Vincent Selvakumar at Sadhu Sundar Selvaraj. Nakakagulantang ang mga deklarasyon—magmula sa paglipol sa pamamagitan ng baha at bagyo hanggang sa nakapandidiring “flesh-eating disease” na magmumula sa Pangasinan at iba’t ibang panig ng bansa. Ito ang aking posisyon ukol sa isyu.

First, we should never despise prophecies (1 Thess. 5:20). Prophecies as used here refers to “prediction” and “foretelling”. Punong-puno ang Bibliya ng mga istorya na naganap bunga ng propesiya. Hindi ako naniniwalang natigil na ang pagbibigay ng Panginoon ng mga rebelasyon sa pamamagitan ng mga propeta. May sadyang tinawag talaga sa ganitong ministeryo at gawain (Eph. 4:11-13, Amos 3:7). God reveals himself in different ways—through dreams, visions, signs, wonders and miracles (Num. 12:6, Joel 2:8-9, Mark 16:17-18).

Ganunpaman, kailangang salain ang mga prophetic declarations ng ilang bagay. Una, sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Pangalawa, sa pagsilip sa credentials at character ng mga nagsasabing propeta. Pangatlo, sa kung ano ang ipinararamdam ng Banal na Espiritu sa mga mananampalataya sa bawat panahon sa kasaysayan.

Unahin natin ang Salita ng Diyos.  The Bible is our final authority on matters of faith (Matt. 4:4, 2 Tim. 3:16-17). Kung ang isang propesiya ay kumakalaban sa katotohanan ng Salita ng Diyos, aba’y magtaka ka na (Deut.13:1-4). Ang mga extra-Biblical revelations ay dapat itinatapon sa basura (Isaiah 8:20, Gal. 1:8-9).

Pangalawa, nakikilala ang isang tunay na propeta ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang karakter at mga gawa. By their fruits, you shall know them (Matt. 7:16). Lantad ba sa buhay nila ang “fruit of the Spirit”? (Gal. 5:22-23). Sino ba ang kanilang binabandera? Ang kanilang sarili o ang Panginoon? At ito pa ang ultimate test: nagaganap ba ang kaniyang mga sinasabi? (Deut. 18:22, Jer. 28:9). Moreover, a prophecy must exalt and proclaim the Biblical Jesus (1 John 4:1-2). Remember: the testimony of Jesus is the spirit of prophecy (Rev. 19:10).

Pangatlo, ang lahat ng tunay na Cristiano ay ginagabayan ng Banal na Espiritu na siyang tatak ng kanilang kaligtasan (Eph. 1:13). At Siya ang magpapahayag ng katotohanan sa bawat isa (John 15:26). God’s sheep hear His voice (John 10:27). Simple lang ang logic: kung walang resonance sa puso ng mga mananampalataya, maaaring huwag pansinin at isawalang-bahala. Ganunpaman, hindi lahat ng mananampalataya ay “in-tuned” sa Panginoon sa lahat ng pagkakataon bunga ng kasalanan at kawalan ng malapit na relasyon sa Kaniya. At doon pumapasok ang problema. Kapag nangingibabaw ang iyong “flesh” kaysa espiritung sensitive sa galaw ng Panginoon, maaaring ma-miss out mo ang sinasabi Niya.

Balikan natin ang propesiyang binitiwan ng mga Indian prophets. Sa aking pagsusuri at panonood ng ilang Youtube videos at pagbabasa ng 20-page transcript na inilabas ng Intercessors for the Philippines (IFP), na may pamagat na “Warnings, Punishments and Judgments for the Philippines if the nation does not return to God”, masasabi kong hindi mauunawaan at matatanggap ng ilan ang dokumento. Samahan mo pa ng ilang kakaibang mga pahayag ukol sa mga matatangkad na anghel at mga “bowls of wrath” statements, siguradong mapapaisip o magugulantang ka.  Ito ang buod ng pahayag:

“If you don’t repent and pray God has planned much destruction all over the Philippines which are very disastrous. The cup of God’s wrath over the Philippines is very, very disastrous. There will be much disaster all over the land. The Lord will give you over to flood and waters. The Lord will torture your land with typhoons and hurricanes. The Lord will plague the land with diseases. The Lord will punish your land with famine and scattering.” (pp. 1)

Ayaw kong matuon sa eschatology (study of last days) at usapin ng dispensationalism at last day blessings, kundi sa mas mahalagang mensahe ng propesiya. Sa kabila ng mga nakakagimbal na mga detalye, natapos ang lahat sa panawagan na manalangin at “magsisi” para sa kasalanan ng sambayanan. Sa ganang akin, ito ang clincher statement. At walang tunay na anak ng Diyos ang tatanggi sa mensaheng ito. May propesiya man o wala, hindi natatapos ang panawagan sa lahat na lumayo sa kasamaan at manumbalik sa piling ng Diyos.

Dahil sa habag at biyaya ng Diyos, hindi Siya basta-basta nagpaparusa. Gumagamit siya ng mga tao upang ipahayag ang Kaniyang kalooban. He forewarns people who are ripe for punishment (i.e. Israelites and Nineveh). Samakatwid, hindi ko huhusgahan ang propesiya sa mga bagay na hindi nito natupad, kundi sa mga bagay na sinabi nito na naganap. Mas gusto kong isipin na isa itong panawagan na mamuhay sa kabanalan at katuwiran ng Diyos. Makinig ang may pandinig!

Monday, October 28, 2013

LOVESTRUCK III: Unveiling the "S" Word by Deb Bataller (CBN Asia)

What is the first thing that comes to your mind when you hear or read the word SEX? Do you still regard it, as something sacred and pure?
Or do you see it as a common practice that many people (married or not) engage in, simply to satisfy our carnal nature’s innate craving for pleasure?
To help us understand better this sensitive topic, renowned author of the best-seller Lovestruck series, Pastor Ronald Molmisa is back with a third installment. . Entitled “Lovestruck: Sexy Edition,” the book “presents the frequently asked questions and issues with regard to Filipino sexuality” and provides answers according to Biblical standards.
In the book, Pastor Ronald shares with us a comprehensive account of what the “real issues” are when it comes to sex and why it is very important to deal with these as Filipinos and as Christians.
lovestruck sexyIN THE DARK NO MOREIt’s sad how this three-letter word is evaded by many local Christian authors as a subject in their writings. Only a few dared to delve deeper into the matter. As the book’s cover color suggests, most of the topics presented in the book are usually “discussed in secrecy.”
Thankfully, we still have writers like Pastor Ronald Molmisa who are not afraid to take a stand on what the Scriptures says about sex.
What is also very commendable about Lovestruck: Sexy Edition is the book’s bold approach in explaining what sex is and what it is intended for. It is admirable how the author carefully included not only Bible verses, but also credible research, studies and statistics to support and to justify his well-explained points.
The book also make a clever way of exposing the misconceptions linked to sex and sexuality. It includes enlightening and well-supported explanations on what others may deem as sensitive and controversial topics such as masturbation and homosexuality.
GOOD MADE BADThese days, the meaning of sex and its purpose seem to be stained by the media.  Even for some Christians, our views of sex has been polluted and distorted. From magazines, to TV shows and even in music, the world depicts sex differently from what God had in mind when he created it.
According to the author, “the writing of the manuscript was inspired by the surge of issues which disturb our sexuality–the rise in teenage pregnancies in 2012 (per a United Nations report), the mainstreaming of the homosexual agenda in media , and mainly because of counselees (online and offline) who desire sexual restoration (i.e sexual abuse and porn addiction).”
WORTH EVERY PENNYUnlike the first two LOVESTRUCK books, there’s not a great deal of humor on this book.
“This book, I should say, is meant to be straightforward. This can’t be easily mixed with jokes lest it may [sic] send confusing messages and signals,” admits  Ronald.
Still, the author was able to insert funny quips from time to time to further engage its readers. He adds, “I tried to include humor in some sections but not to the detriment of its serious information. Compared to the first two books, this could be the most controversial since I expressed my position on sensitive issues.”
As with the first two LOVESTRUCK books, the Sexy Edition is also concisely and cleverly written. Each topic is discussed with  brevity yet with clarity. There are no dull moments in reading this book.
Given the interesting and informative contents compressed in a pocket-sized book, one can easily finish reading it. One will not regret buying this great read. Indeed, it’s worth every penny spent on it.
This book will surely bring some sense into our conflicted society when it comes to sex and straighten out the distorted view we acquired about it. It’s high time the “S” word be unveiled and a loud applause for Pastor Ronald Molmisa for successfully bringing it out in the light.

Friday, August 23, 2013

9 WAYS TO DEAL WITH HEARTBREAK

1. FEEL the pain. Befriend the heartbreak. Aminin sa sarili na nasasaktan ka. Never deny the feelings of hurt and loneliness. Iiyak lang iyan. Running away is not an option. The hurt will go with you wherever you go.

2. FIGURE OUT what happened. Process the things that transpired and analyze. Maaring may mga bagay na hindi mo napansin o binalewala. As an exercise, try to write your love story from start to finish (kahit bullet points lang o images). You can discern patterns of mistakes and significant lapses in the relationship. Your job is not to repeat past blunders and mistakes.

3. FORGET and FORSAKE all things which remind you of him/her (i.e. photo albums, love/emo songs, Facebook connection). Switch mental gears kapag nadadala ang utak sa mga ala-ala. Tanggapin din ang katotohanan na mahirap tanggalin sa isipan ang isang taong napakaraming ibinigay sa iyo.

4. FINISH what needs to be finished. Huwag nang hintayin na ang kabilang partido ang magsara ng dapat isara. Initiate the closure. Put an end to everything. Tanggapin na "tapos na ang lahat." Ang natapos na relasyon ay tulad ng mga basag na matalim na salamin. Minsan, mas mainam na huwag na siyang pulutin at buuin kaysa masaktan muli ang iyong damdamin."

5. FELLOWSHIP with Family and Friends. They are your refuge in many ways. Avoid being alone. Have a support system/emotional shock absorber. Makapagbibigay sila ng matitinding encouragement. As Proverbs 12:25 tells us, "Anxiety in a man's heart weighs him down, but a good word makes him glad."

6. FIND Activities which can ease the pain (i.e.leisure travel, comfort food, read books). Keep yourself busy. Counter sadness with preoccupation with things that are fun and enjoyable. Channel your energies to worthwhile activities. Now is the time to love yourself (one thing you may have forgotten when you were in a relationship).

7. FORGIVE yourself and your ex. This may take time but this is the way to go. Be better, not bitter. Get rid of anger and other emotional baggages. Never argue with the person because it can only worsen the situation. FREE Yourself from pain! Kung ikaw ang dahilan ng breakup, patawarin ang sarili. Hindi lang ikaw ang may pagkukulang.

8. FALL IN LOVE again. There is wisdom in the "2-year rule" before commencing a new relationship. Take time to heal unresolved feelings. Matapos ang recuperation period, pagbigyan ang puso na muling magmahal at mahalin. Meet new people and potential partners. Sa iba, mas matagal ang recovery. The rule of the thumb is: huwag papasok sa relasyon nang hindi pa lubusang nakaka-move on (iyong wala na ang sakit at galit kapag nagkita muli kayo ni ex).

9. FOCUS on God's love for you. Walang ibang magmamahal sa iyo nang todo kundi si Lord. Huwag mong hanapin ang kaligayahan sa ibang tao. Si Lord ang greatest lover mo. Sa Kaniya, kumpleto ka! Isapuso ang awit ni David sa Psalm 34:18-19: "The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit. Many are the afflictions of the righteous, but the Lord delivers him out of them all."

Thursday, August 22, 2013

TANGGALIN ANG BABOY SA PULITIKANG PINOY

Pinatindi ng Napoles corruption scandal ang galit ng sambayanan ukol sa maling paggamit ng pera ng bayan sa pamamagitan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na "pork barrel." Ayon sa Commission on Audit (COA) Report, mahigit P1.6 bilyong pondo ng tatlong senador ang napunta sa mga pekeng NGOs. Aabot naman sa 17 banko ang pinaglagakan ng mahigit na 400 bank accounts ni Napoles. Ang kasong ito ay ilan lamang sa napakaraming kaso ng pangungurakot sa buwis ng bayan.

Ang pork barrel ay isang lump-sum budget na ibinibigay sa presidente at mga mambabatas taon-taon at malaya nilang nailalaan kung saan nila gustong gastahin. May 200M ang bawat senador, samantalang 70M naman ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan. Maaaring hindi sila ang humahawak ng pondo subalit sila ang nasusunod kung ano ang mga proyekto na dapat puntahan ng mga pondong ito.

Aabot sa P27 bilyon ang matatanggap ng lahat ng mga senador at kongresista sa budget sa taong 2014. Mahirap paniwalaan na ang mga perang ito ay talagang maibubuhos sa serbisyong pampubliko. Ito ay bunga ng samut-saring estilo ng mga pulitiko at mga kakuntsaba nilang mga contractor upang nakawin ang pera ng bayan. Sa maraming pagkakaton, halos 80 porsyento ng nakalaang pondo ay napupunta sa bulsa ng mga pulitiko, samantalang 20 porsyento lamang ang napupunta sa proyekto. Huwag na tayong magtaka na kung hindi overpriced ay substandard ang pagkakagawa ng maraming public infrastructure projects.

Katulad ng pagpasa sa Anti-Political Dynasty Bill, isang suntok sa buwan ang suhestiyon na i-abolish ang pork barrel sa kasalukuyan dahil nasa puwesto ang mga mambabatas na sangkot sa anomalya. Hindi kailanman papayagan ng mga senador at kongresista na mawala ito dahil ito ang kanilang instrumento upang makuha ang suporta ng mga tao, lalo na kung malapit na ang eleksyon. Ito rin ang sandata nila upang talunin ang mga bagito at walang pera sa pulitika.

Hindi pabor ang presidente sa pagbuwag sa pork barrel. Mas pahihirapan daw kasi nito ang pagbibigay ng serbisyo publiko lalo na kung sa national government pa aasa ang mga local government units para sa kanilang mga pangangailangan. Ngunit kailangan ding tingnan kung paano ginagamit ng presidente ang kanyang kapangyarihan upang hindi ma-release ang PDAF ng mga pulitikong kumakalaban sa kanyang liderato. Sa isang COA audit report, milyun-milyong pondo ang pinamudmud ng dating Pangulong Macapagal-Arroyo sa mga miyembro ng kaniyang partido at oposisyon mula 2007 hanggang 2009 kung kailan humarap siya sa matinding krisis pampulitika. Nasa kamay ng mga miyembro ng kongreso ang susi para tanggalin ang pork barrel. Ngunit kung ayaw ng presidente, huwag umasang susunod ang mga mambabatas.

Kung nais ng mga mambabatas na makatulong sa kanilang mga kababayan sa mas epektibong paraan, maaari namang padaanin ang pondo sa mga regional, provincial, at municipal development councils. Sa ganitong paraan, mas magiging sensitibo ang mga programa sa pangangailangan ng mga nakararami, kaysa sa iilan lamang.

Gayundin, dapat maging matapang at maagap ang Commission on Audit sa paghain ng kanilang imbestigasyon. Sadyang napakabagal ng COA sa pagsasaayos ng mga report. Kailangang magkaroon ng mabilis na sistema ng auditing upang imbestigahan ang mga expenditure records ng mga mambabatas at masawata ang mabilis na paglalaho ng pera ng bayan.

 Ang isang matinding problema ay nangangailangan ng matinding solusyon. Ang pork barrel ay hindi nakatuon sa pagpapaunlad ng bayan kundi sa pagbili ng suporta ng taumbayan. Ugatin natin ang problema. Kung walang pork barrel, walang sistemang aabusuhin. Tanggalin ang "baboy" sa pulitikang Pinoy.

Ang Opinyon ng Pilipino ay isinulat ni Ronald Molmisa ng Pananaw Pinoy. Dahil sa isang bansang may demokrasya, opinyon ng bawat isa ay mahalaga.

Thursday, July 11, 2013

FIVE ANTI-M.U. SAKIT TIPS (For Ladies)

PAKINGGAN ANG MAGIC WORDS. Huwag maging assumera hangga't walang mga salitang namumutawi sa bibig niya. Yes, hindi ka manhid. Ramdam mo ang special treatment. Gets na gets mo ang mga signs and signals. Pero may mga guys na sadyang malambing lang talaga. Huwag magpapatianod sa mga pa-tweetums nilang mga kilos. May mga magic words kang aabangan--magmula sa "type kita" hanggang sa "ikaw ang aking BUKO (buhay ko). Pero bilog na ang ulo mo, huwag hayaang bilugan pa niya. Libreng mag-isip dear.

PIGILAN ANG KILIG. Kapag ibinulalas na niya ang kaniyang feelings, huwag excited much. Kung may feelings ka, huwag umastang officially yours na kayo sa isa't isa. Madalas umaalagwa ang imahinasyon ng maraming ladies. Hindi pa kayo, wedding entourage na ang pinaplano. First things first. Mahirap na. Baka ang inaakala mong "love story" mauwi sa "toy story". Nilalandi ka lang pala.

PUTULIN ANG UGNAYAN KAPAG PLAYING SAFE SIYA. Huwag magpapaniwala na "Super Friends" kayo. Unless kasing kisig siya ni Clark Kent at kasing-sexy ka ni Wonderwoman at may invisible jet ka. Huwag hayaang maging shock absorber ka ng mga problema niya sa buhay. Ibuhos niya sa ibang tao ang kaniyang mga ka-emohan kung ayaw mong masaktan. Puwede kayong maging emotionally-dependent sa isa't isa. Be aware of the dangers of emotional attraction. Huwag palalimin ang intimacy kung walang matatag na commitment.

PORMAL NA LIGAWAN. Tandaan: Kung seryoso sa iyo ang lalake, pormal siyang manliligaw. Hindi iyong binabakuran ka lang. Hindi dapat hanggang drawing lang. Ang mga lalake nagi-effort kung gusto niya ang babae. Magpapaalam iyan sa magulang. Pupuntahan ka sa bahay at gagawin ang lahat para mabihag ang iyong puso. Maidagdag ko lang: Mag-imbestiga ka rin baka marami kayo sa kaniyang listahan.

PRAY FOR YOUR FEELINGS. Ipanalangin na bigyan ka ng Panginoon ng pusong uber-inlab sa kaniya. Iyong hindi basta-basta maghahanap ng atensyon sa iba. Ipatanggal sa Kaniya ang mga "may sabit" na damdamin (i.e. kung may GF na siya). Ipag-pray mo rin ung guy na mag-ayos-ayos siya lalo na't magulo ang mga kilos niyang ipinapakita. Wait upon the Lord always.

Monday, June 24, 2013

Ang Tensiyon sa Pagitan ng Relihiyon at Sekularismo

Pumukaw ng matinding atensiyon ang napabalitang pagbibigay ng mga Bibliya sa mga freshmen ng University of the Philippines-Los Banos noong ika-9 ng Hunyo. Maraming umalma sa insidente dahil nillabag daw ng UPLB Office of Student Affairs ang prinsipyo ng "separation of church and state." Sa isang pormal na liham, ipinahayag ni UPLB Chancellor Rex Victor Cruz, na ang UPLB bilang institusyon ng pamahalaan ay hindi kailanman bumili at namigay ng mga Bibliya para sa mga estudyante.

Pinalutang ng UPLB incident ang tensiyon sa pagitan ng kalayaan sa relihiyon at paggalang sa prinsipyo ng "separation of Church and State." Kailangang balikan natin ang sinasabi ng Saligang Batas ukol sa isyu. Tandaan natin na ang probisyong ito ng Konstitusyon ay nagbibigay-proteksyon sa mga mamamayan laban sa mapaniil na kapangyarihan ng estado. Layunin nilang pigilan ang pagsupil sa kalayaan sa relihiyon.

Ayon sa Article 3, Section 5, walang batas ang dapat ipasa ng Kongreso na magtatatag ng isang pambansang relihiyon o pipigil sa malayang pagsasagawa nito. Hindi ring maaaring gawing basehan ng pagtupad sa anumang sibil at pulitikal na karapatan ang relihiyon. Sa ganitong kalakaran, malaya ang sinumang taong-simbahan o lider ng anumang iglesya na tumakbo sa pulitika at humawak ng puwesto sa pamahalaan.

Sinasabi naman sa Article 6, sec. 29 na hindi dapat ginagamit ang pondo ng pamahalaan para sa anumang gawain ng anumang relihiyon o simbahan. Ganundin, kung nais ng sinuman na magturo ng religious subjects sa mga elementary at secondary schools, itinatadhana ng Article 14, sec. 3 na kailangang humingi ng permiso ang magtuturo sa mga magulang ng mga estudyante.

Ang naging isyu sa UPLB ay ang pamimigay ng Bibliya ng isang pampublikong opisina. Kahit sabihing hindi sapilitan ang pagtanggap ng mga materyales na ito, naging kasangkapan ang UPLB OSA upang maibahagi ang mga Cristianong materyales at babasahin. Bagaman walang pondong inilibas ang UPLB para ipamahagi ang mga Bibliya, nalabag nito ang pananawa na ang isang "sekular" na paaralan ay hindi dapat nagi-endorso ng anumang relihiyon. Upang maiwasan ang pagkiling sa anumang pananampalataya, maaring ibigay na lamang ng Office of Student Affairs ang trabaho ng pamimigay ng Bibliya sa mga Christian student organizations sa unibersidad. May karapatan ang bawat grupo sa unibersidad na mamigay ng kanilang religious materials. Ang karapatang ito ay ibinibigay din sa ibang relihiyon, maging sa mga atheists at agnostics na hindi naniniwala sa Diyos.

Patuloy na hinahamon ng sekularismo ang pananampalataya ng maraming Cristiano sa bansa. Pilit na inihihiwalay nito ang pananampalataya sa pampublikong buhay ng maraming Pinoy. Sa kabuuan, ang ating pananampalataya, bagaman isang personal na desisyon ay hindi maaaring manatiling pribado. Lalabas at lalabas ang ating mga pagpapahalaga. Maging ang mga opisina ng pamahalaan ay punong-puno ng mga santo at imahe ni Maria at Cristo. Mayroon pang sariling chapel ang iba kung saan maaring manalangin ang mga empleyado. Kung talagang seryoso ang pamahalaan na gawing "sekular" ang pamamahala, kailangang tanggalin sa lahat ng sulok ng pamahalaan ang anumang religious symbols tulad ng krus at mga imahe ng mga santo.

Hindi na lamang ito usapin ng pagsunod sa batas kundi ng paninindigan sa pananampalataya. Nang pigilan ng Sanedrin sina Pedro at ang ibang apostol sa pagbabahagi ng ebanghelyo ng Kaligtasan sa mga Hudyo, matatag nilang sinabi, "mas nanaisin naming sundin ang Diyos, higit ang tao!" (Gawa 5:29). Ganundin, mas dapat tupdin ng mga tunay na Cristiano ang kalooban ng Diyos higit sa pagsunod sa mga ideyolohiya at batas na lumalabag dito. 

Monday, June 17, 2013

LOVESTRUCK SAKIT Series 3: Kung Ako'y Iiwan Mo

Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako’y nawalan: Ako dahil ikaw ang minahal ko nang lubusan. At ikaw dahil ako ang sa iyo’y lubusang nagmahal. Ngunit sa dalawa ay ikaw ang higit na nawalan: Dahil pwede kong mahalin ang iba tulad nang pagmamahal ko sa iyo ngunit ika’y ‘di mamahalin tulad nang kung paano kita minahal.” — Ernesto Cardenal 

Walang masaya kapag sila ay iniwan ng kanilang minamahal. Lalo na ang mga inabandona nang walang "justified" at katanggap-tanggap na dahilan. Maraming couples and singles ang labis na sinisi ang kanilang sarili dahil sa kinahinatnan ng kanilang relasyon, kahit hindi sila ang ugat ng hiwalayan.

Ito ang mga kuwentong dumurog sa puso nila. Masakit pero totoo. Hindi na kailangang ibulgar dahil matagal nang lantad sa publiko. Ito ang "bulok na style" ng mga naging tampalasan o taksil sa relasyon. 

Inakala ni Anna na nagtatrabaho ang kaniyang mister sa abroad upang gumanda ang buhay ng kanilang pamilya. Lo and behold, may bago na siyang kinakasama. Batang-bata at dalaga pa. Tandaan: ang pagtataksil sa iyong kabiyak ay karumal-dumal sa sa batas ng Diyos at batas ng tao. Winawasak mo ang iyong puri at dangal. Huwag mong sabihing marupok ka. Dahil sa bawat sandali na ikaw ay nalalapit (o lumalapit) sa tukso, tao ka---may kakayahang mag-isip at umiwas sa kasalanan. 

Lumuluha si Grace nang mag-email sa akin. Isang "Cristiano" kunong lalake ang yumurak sa kanyang emosyon at pagkatao. Niligawan siya ni boy. Nag-effort at nilambing sa maraming bagay. Of course, bumigay siya. Sumama siya sa isang exclusive na lakad sa isang resort sa isang probinsiya. Naganap ang hindi dapat maganap. Ilang araw ang nakalipas, nagkaroon ng "invisible powers" ang lalake matapos simsimin ang bango ng kaniyang katawan. Kahit nagkikita sila sa opisina "Hu U?" na ang turingan. Sa lahat ng kalalakihan: hindi mga babaeng bayaran ang tunay na nagmamahal sa iyo. Kung ganyan ka nang ganyan, humanda ka sa bigat ng parusang bubulaga sa harap mo.

Maraming ladies ang ginagawang business ang pagbo-boyfriend. Gold-digger kung sila ay tawagin. Naghahanap ng boy toys at mga lalakeng may 4 na "M"--matandang mayamang madaling mamatay. Matapos huthutan ang lalake, lilipat sa panibagong lalake para limasin ang kaniyang kayamanan. Kung ikaw ito kapatid, hindi forever ang kaligayahang dulot ng panlilinlang. Nawa'y nakakatulog ka pa nang mahimbing sa iyong ginagawang kalokohan.
Para naman sa mga iniwan, hindi dapat tumigil ang inyong mundo.

Breaking-up is predictable and preventable. Dapat marunong kang bumasa ng "warning signs". Kung alam mong nanlalamig na ang kaniyang pag-ibig, kausapin siya. Kung nararamdaman mong lumalayo na ang puso ninyo sa isa't isa, kailangang may gawin ka. Kung naaamoy mong may ginagawa siyang kalokohan, confront him/her head on. Ang iba gusto pang "killing me softly" ang drama. Huwag maging masokista. Mahalin ang sarili. You have the right to demand faithfulness from your partner. 

Tanggapin ang katotohanang lahat ng tao ay nagbabago. Ang nakilala mong gentleman sa una, maaring maging "balasubas" sa huli. Ang nakita mong "mahinhin" na dalaga, maaring maging "demonyita" sa paglipas ng panahon. Anupaman ang kadahilanan ng kanilang pagbabago manatili kang nagmamahal nang tapat.
Sa mga iniwan nang hindi alam ang dahilan, move on and live your life to the fullest. Mas mabuting nakilala mo na siya nang maaga kaysa ikaw ay tuluyang magdusa. He/she does not deserve your love. Hindi lahat ng iyong mamahalin kaya kang alagaan at mahalin nang totoo. Si Lord lang makakagawa noon, hindi ang tao.

Kung iniwan ka ng iyong asawa, ituon ang iyong panahon hindi sa pagluluksa kundi sa pag-aaruga ng iyong mga anak. Kailangang maging matatag ka para sa kanila. Huwag isandig ang buhay sa taksil mong asawa. Mas lalong kumapit sa Panginoon sa panahon ng problema. 

Let's pray. "Lord, iniwan ako ng aking taong mahal. Paghilumin mo ang aking pusong sugatan. Hindi ko kaya ang laban. Ikaw lang ang aking maasahan. Ibinibigay ko ang lahat ng kabigatan. Amen."

Saturday, June 08, 2013

Perhaps a great love is never returned. - Dag Hammerskjold

May isang remarkable love triangle sa Genesis. Matindi ang dinanas ni Lea nang mapangasawa niya si Jacob at maging kakumpetensiya niya sa pag-ibig ang kaniyang nakababatang kapatid na si Rachel (Genesis 29-30). Kinailangan niyang magtiis at manlimos ng pag-ibig. Martir na asawa ang peg niya--unloved sabi ng Bibliya. Ikinasal kasi siya bunga ng panlilinlang ng kaniyang ama na si Laban. Siya ang pinasiping kay Jacob sa halip na si Rachel dahil labag daw sa tradisyon na unang mag-asawa ang nakababatang kapatid. 

Nagtiis si Lea dahil marahil dahil alam niyang hindi talaga siya ang tunay na pag-ibig ni Jacob. Swak na swak sa kaniya ang kaniyang pangalan na nangangahulugang "malamlam ang mga mata". Natigib ng luha at kalungkutan ang kaniyang buhay. Pero mabait si Lord kay Leah. Binuksan ni Yahweh ang kaniyang sinapupunan habang nanatiling baog si Rachel (29:31). Sa 13 anak ni Jacob, pito ay nagmula sa kaniya (Reuben, Simeon, Levi, Judah, Issachar, Zebulun at Dinah), dalawa mula sa alipin na babae ni Rachel na si Bilha (Dan at Naphthali), dalawa sa aliping babae ni Leah na si Zilpah (Gad at Asher). Si Rachel naman ang naging ina ni Jose at Benjamin.

Na-Lea ka na ba? Dedma ka sa paningin ng iba. Hirap na hirap kang makakuha ng "kahit konting pagtingin" mula sa taong pinapangarap ng iyong kaluluwa.

Ang katotohanan: hindi mo kayang pilitin ang iba na mahalin ka. Well, hindi naman talaga dapat pinupuwersa ang pagmamahal. Walang tunay na saya sa relasyong hindi natural. 

Normal na mag-expect. Normal na "umasa". Because we want to be loved. We want to be affirmed. Kapag hindi nasuklian ang ating pag-ibig, we feel rejected. 

Dahil mahal mo siya, sinusundan mo kahit saan siya magpunta. In-add mo sa Facebook para laging mo siyang nakikita. Nag-enroll ka sa same university. Same course. Same subjects. Same room. Same-same. Kasi akala mo magiging same ang feelings.

Nagmamahal ka pero friends lang talaga ang turing sa iyo. Hanggang friendzone lang talaga. Wala nang ilalampas pa. Ikaw naman, asa nang asa. Pinagpe-pray mo: "Lord, sige na, buksan mo na ang kaniyang mga mata!"

Never fall into imaginary romance. Stop fantasizing na mahal ka rin niya. Kasi ang totoo, hindi kayo. Nagsisinungaling ka sa iyong sarili. Kung may kasama siyang iba, huwag kang mananaghili. Remember: may mga taong nagmamahal sa iyo na hindi mo rin pinapansin. Kaya unfair ka rin sa kanila. 

Hindi kailangang "exchange gift" ang pag-ibig. Kapag nagmamahal ka, nagmamahal ka lang. Hindi naghihintay ng kapalit. Kapag lagi kang umaasa na susuklian ang iyong pag-ibig, hindi ka makukuntento. Dahil hindi lahat ng tao marunong makaunawa sa pangangailangan mo. It is better to give than to receive (Acts 20:35). 

Walang talo sa taong nagmamahal. Huwag matuon sa kung ano ang matatanggap. Ang kaligayahan mo ay dapat magmula kung paano mo napapangiti ang iyong kapwa. Hindi "gayuma" ang sagot upang ikaw ay lumigaya, kundi ang patuloy na magmahal pa.

Mahalin ang iyong sarili. Hindi dapat umikot ang mundo mo sa sinuman. Sa pag-ibig ni Lord ka manahan. Huwag mo ring kalimutan ang mga mahal mo sa buhay na iyong sandigan sa panahon ng kalungkutan.

Si Lord nga hindi tinanggap ng sarili niyang bayan (John 1:11). At nang magkagipitan na, iniwan siya ng kaniyang mga tagasunod (Mark 14:50). Sa halip na parusahan sila sa kanilang kataksilan, ginawa pa rin Niya ang kalooban ng Kaniyang Ama--ang mamatay sa Krus para sa kasalanan ng sangkatauhan. 

Sa maraming pagkakataon, hindi natin pinapansin si Lord. Mahal na mahal ka Niya. Ikaw lab mo ba talaga siya?

Let's pray. "Salamat Panginoon sa iyong hindi nagmamaliw na pag-ibig sa akin. Tulungan mo akong maging kuntento sa iyong pagmamahal. Ayaw kong umasa sa ibang tao upang lumigaya. Ikaw ang kumumpleto sa aking buhay. Amen."

Wednesday, June 05, 2013


"God whispers to us in our success, but shouts in our pain." -C.S. Lewis

Maraming sikat na love stories sa kasaysayan, sad ang ending. Romeo and Juliet. Queen Cleopatra and Mark Anthony. Shah Jahan and Mumtaz Mahal. Queen Victoria and Prince Albert. Anakin at Amidala Skywalker. Popoy at Basha.

Isang kabataan ang nagtanong sa akin, "Kuya, bakit ganoon umibig, ang sakit-sakit?"

Masakit nga ba talaga ang magmahal?

May sakit na bunga ng paniniil ng iba at hindi maiiwasang dagok ng buhay. Ngunit mayroon ding mga sakit na bunga ng kasalanan (1 Peter 2:20). Ito ang kailangan nating tingnan.

Bakit maraming nasasaktan? Kasi may mali.

Maling panahon. Pilit ka nang pilit e hindi pa hinog ang sitwasyon. Nang pitasin mo ang bunga at matikman mong mapakla, bigla kang nasuka at napariwara. Relax lang kapatid. Dadating tayo diyan. Huwag excited much. Dapat marunong kang tumimpla ng klima ng buhay ng iba.

Maling motibasyon. Huwag umasang magtatagal ang relasyon kung sabit na ang pinagmulan. Umibig dahil naiinip nang magka-dyowa. Gusto lang mag-rebound mula sa isang natapos na relasyon.Tinuluyan ang partner dahil lang sa tuksuhan. Sa mga alanganin: huwag kang paasa at baka masaktan ka at makasakit ng iba.

Maling pamamaraan sa relasyon. Relationships should be nurtured. You must decide to love your partner regularly and with passion. Break-up is predictable. Mararamdaman mo iyan kung unti-unti nang natutuyo ang damdamin ninyo sa isa't isa. Huwag ipagkibit-balikat ang mga "warning signs". Kapag ang halaman, may mga tuyot nang bahagi, maalarma ka na. Baka tuluyang ikamatay niya.

Maling partner. Hindi mo man intensiyon, maaring mabiktima ka ng isang partner na hunyango. For ladies: kilalanin muna ang nagpapakilalang guwapo bago bitiwan ang matamis na "Oo". For guys: hindi kumo mabango ang shampoo at balingkinitan ang katawan, qualified ng maging kasama sa buhay. Makinig sa mga taong tunay na "concerned" sa iyo. Mahirap bumalik ang paningin ng mga taong nagbubulag-bulagan. Kung matalino ka, makikinig ka rin sa sinasabi ng iba. Dahil maaaring may alam sila na hindi mo nakikita.

When our emotions get wounded, our souls are also shattered. Kaya big challenge ang mag-move on. Ok lang umiyak. Ok lang magdamdam. Si Lord nga tumangis nang mamatay ang kaniyang matalik na kaibigan (John 11:35). Tumatangis din siya kapag nagtatampisaw tayo sa kasalanan at nabibiktima ng kasinungalingan.

Sa panahon ng kalungkutan lumalabo ang ating paningin. Hindi natin makita maging ang pinakamagandang bagay sa ating buhay. Hindi mo rin magawang i-appreciate ang mga taong nagmamahal iyo. Masyado kang na-consumed ng ideya na ikaw lang ang tao sa mundo.

God is near to the broken-hearted (Psalm 34:18). Iwan ka man ng iyong mga mahal sa buhay, may Diyos kang maasahan (Psalm 27:10). Lapit lang sa Kaniya at siguradong gagaan ang iyong kalooban. He invites us to come and rest in Him (Matthew 11:28-30). Hindi mo kailangang magmakaawa dahil Siya na mismo ang nag-iimbita. Sa panahon ng lungkot, kinakausap ka Niya.

Your pain will never be in vain. If you love God, umasa kang kahit ang pinakamadilim mong nakaraan ay patungo sa magandang kinabukasan (Romans 8:28). Kayang gamitin ni Lord ang masasakit mong karanasan upang hipuin ang puso ng ibang tao. Mas lulutang ang iyong pusong mapagmahal dahil naranasan mong damayan at makiisa sa damdamin ng iba. Mas matatag ka kaysa noong una.

Sa pag-ibig, hindi maiiwasang ikaw ay masaktan dahil may mga bagay na hindi sakop ng iyong kapangyarihan. Ganundin, hindi mo kailangang magdusa para matuto. Ilang libo, ilang milyon na ang lumuha sa iba't ibang kamalian. Matuto sa kanila kung ayaw mong masaktan.

Libreng mag-isip. Maging matalino. Linisin ang utak (Romans 12:1-2). Rendahan ang mapanlinlang na emosyon (Jeremiah 17:9). Higit sa lahat, unang mahalin ang Panginoon (Matthew 22:37).

Tandaan: ang tamang pakikipagrelasyon hindi nagbubunga ng sakit kundi ng matamis na pag-ibig.

Let's pray. "Lord, turuan mo akong maging matalino sa pakikipagrelasyon. Ibinibigay ko sa iyo ang lahat ng mapait kong karanasan at damdamin. Patawad sa lahat ng aking pagkakamali. Ikaw ang muling bumuo ng gula-gulanit kong kaluluwa. Sa Iyong mga kamay inilalagak ko ang aking puso. Amen."

Saturday, May 18, 2013

IMPLIKASYON NG 2013 ELECTIONS

Bagaman may ilang surpresa na bumulaga sa sambayanan sa paglabas ng resulta ng senatorial elections, may mga bagay na sadyang hindi madaling maipagpag sa ating diwa at pagpapahalaga bilang sambayanan.

Maaaring tingnan na "vote of confidence" ang pagkapanalo ng marami sa Team PNoy senatoriables. Dahil dito, mas lalakas ang suporta ng Pangulo sa Senado ngayong nararamdaman na natin na 9 saadministration candidates ay siguradong pasok na sa Top 12. Ang partido rin ng pangulo ang nakakuha ng pinakamaraming puwesto sa Mababang Kapulungan. Madaling isulong ang mga reform agenda kung "solid" ang suporta ng Senado at Mababang Kapulungan sa Malacanang. Kung nais ng pangulo na mahalal ang mga kandidato na kaniyang i-endorso sa 2016, kailangang mapanatili niya ang kaniyang mabangong pangalan at reputasyon.

Winasak ng resulta ang kaisipan ng marami na ang surveys na inilalabas ng SWS at Pulse Asia ay pawang mga "survey massage" na nais lamang kundisyunin ang isip ng publiko. Ayon sa kanilang pre-election surveys, 12 na senatoriables ang malaking tsansang mananalo--si Legarda, Cayetano, Escudero, Binay, Poe-Llamanzares, Estrada, Villar, Pimentel, Aquino, Angara, Honasan at Trillanes. Ang 12 ding ito ang nangunguna sa bilangan as of May 15.

Malaking ang naitulong ng pagiging "consensus candidate" ng mga topnotcher sa listahan. Sinuportahan ng mga miyembro ng Team PNoy at UNA si Grace Poe, Loren Legarda at Chiz Escudero. Bentahe naman kay Grace Poe ang pangalan ng kaniyang ama na itinuturing ng marami na siyang lehitimong nanalo sa pagkapangulo noong 2004 elections.

Minsan pang inihayag ng eleksiyon na ito na matindi ang epekto ng "religious vote".  Nanguna sa listahan ang Buhay Partylist na siyang partido ng charismatic group na El Shaddai ni Brother Mike Velarde. Malaki rin ang naitulong ng pagi-endorso ng Iglesia ni Cristo (INC). Sampu sa kanilang binasbasan ay nasa Top 12.

Pinalutang din ng eleksyon ang pagiging makakalimutin o mapagpatawad na ugali ng maraming Pinoy. Hindi na isyu sa maraming taga-Maynila ang plunder cases ni Erap upang muli siyang pumasok sa pulitika bilang alkalde. Kahit naka-hospital arrest, muling iniluklok sa puwesto ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Congressman ng 2nd District ng Pampanga.

Tandaan rin natin na sa tunay na takbo ng pulitika, hindi sapat ang "good intentions". Ang mga independent candidates at minor political parties ay maaaring pupukaw ng atensiyon at gumising sa mga tulog na diwa. Ngunit katulad ni Juan Bautista, dapat handa rin silang magdusa sa kamay ng mga Herod Antipas ng bansa. Ang national elections ay labanan ng kahandaan sa pagmomobilisa na nangangailangan ng malaking pondo at koneksyon sa mga lider ng pinakamaliit na mga komunidad. Bagaman nagbabandera ng mga programa para sa mga manggagawa at mahihirap na masa, bigong manalo si Teddy Casino at Risa Hontiveros. Ganundin, kinulang din ng sapat na suporta ang mga kandidatong nais magsulong ng mga radikal na reporma sa pamahalaan tulad ni Brother Eddie Villanueva at Greco Belgica.

It is traditional politics as usual. Ang eleksyong ito ay hindi pinaglabanan batay sa posisyon ng mga kandidato sa samu't-saring isyu. Matingkad pa rin ang labanan ukol sa personalidad, pera at popularidad. Sa ganitong kalakaran, kailangang matiyagan ang galaw ng mga nahalal na senador. Sa isang bansang maymulti-party system, napaka-unpredictable ng mga political alliances. Ang kaibigan mo ngayong eleksyon ay maaaring maging mortal na kaaway sa susunod na eleksyon.

Sa isang demokratikong bansa, laging may magsasabing nagkamali ang karamihan, lalo na ang masa, sa kanilang binoto. Nanggagaling ito sa katotohanan na may mga ideyal na batayan kung paano dapat tayo maghalal lider ng bansa. Ganunpaman, hindi dapat sisihin at husgahan ang masa kung bakit bakit nagpapatuloy ang traditional politics. Maging sila ay biktima rin ng umiiral na sistemang hindi nagbibigay ng pagkakataon sa iba upang mahalal. Huwag insultuhin ang kanilang pulitikal na kaisipan at pagpapahalaga. Kung nais nating maging intelihente ang mga botante, kailangang resolbahin muna natin ang mga batayan nilang pangangailangan--pagkain, kabuhayan at edukasyon.