"God whispers to us in our success, but shouts in our pain." -C.S. Lewis
Maraming sikat na love stories sa kasaysayan, sad ang ending. Romeo and Juliet. Queen Cleopatra and Mark Anthony. Shah Jahan and Mumtaz Mahal. Queen Victoria and Prince Albert. Anakin at Amidala Skywalker. Popoy at Basha.
Isang kabataan ang nagtanong sa akin, "Kuya, bakit ganoon umibig, ang sakit-sakit?"
Masakit nga ba talaga ang magmahal?
May sakit na bunga ng paniniil ng iba at hindi maiiwasang dagok ng buhay. Ngunit mayroon ding mga sakit na bunga ng kasalanan (1 Peter 2:20). Ito ang kailangan nating tingnan.
Bakit maraming nasasaktan? Kasi may mali.
Maling panahon. Pilit ka nang pilit e hindi pa hinog ang sitwasyon. Nang pitasin mo ang bunga at matikman mong mapakla, bigla kang nasuka at napariwara. Relax lang kapatid. Dadating tayo diyan. Huwag excited much. Dapat marunong kang tumimpla ng klima ng buhay ng iba.
Maling motibasyon. Huwag umasang magtatagal ang relasyon kung sabit na ang pinagmulan. Umibig dahil naiinip nang magka-dyowa. Gusto lang mag-rebound mula sa isang natapos na relasyon.Tinuluyan ang partner dahil lang sa tuksuhan. Sa mga alanganin: huwag kang paasa at baka masaktan ka at makasakit ng iba.
Maling pamamaraan sa relasyon. Relationships should be nurtured. You must decide to love your partner regularly and with passion. Break-up is predictable. Mararamdaman mo iyan kung unti-unti nang natutuyo ang damdamin ninyo sa isa't isa. Huwag ipagkibit-balikat ang mga "warning signs". Kapag ang halaman, may mga tuyot nang bahagi, maalarma ka na. Baka tuluyang ikamatay niya.
Maling partner. Hindi mo man intensiyon, maaring mabiktima ka ng isang partner na hunyango. For ladies: kilalanin muna ang nagpapakilalang guwapo bago bitiwan ang matamis na "Oo". For guys: hindi kumo mabango ang shampoo at balingkinitan ang katawan, qualified ng maging kasama sa buhay. Makinig sa mga taong tunay na "concerned" sa iyo. Mahirap bumalik ang paningin ng mga taong nagbubulag-bulagan. Kung matalino ka, makikinig ka rin sa sinasabi ng iba. Dahil maaaring may alam sila na hindi mo nakikita.
When our emotions get wounded, our souls are also shattered. Kaya big challenge ang mag-move on. Ok lang umiyak. Ok lang magdamdam. Si Lord nga tumangis nang mamatay ang kaniyang matalik na kaibigan (John 11:35). Tumatangis din siya kapag nagtatampisaw tayo sa kasalanan at nabibiktima ng kasinungalingan.
Sa panahon ng kalungkutan lumalabo ang ating paningin. Hindi natin makita maging ang pinakamagandang bagay sa ating buhay. Hindi mo rin magawang i-appreciate ang mga taong nagmamahal iyo. Masyado kang na-consumed ng ideya na ikaw lang ang tao sa mundo.
God is near to the broken-hearted (Psalm 34:18). Iwan ka man ng iyong mga mahal sa buhay, may Diyos kang maasahan (Psalm 27:10). Lapit lang sa Kaniya at siguradong gagaan ang iyong kalooban. He invites us to come and rest in Him (Matthew 11:28-30). Hindi mo kailangang magmakaawa dahil Siya na mismo ang nag-iimbita. Sa panahon ng lungkot, kinakausap ka Niya.
Your pain will never be in vain. If you love God, umasa kang kahit ang pinakamadilim mong nakaraan ay patungo sa magandang kinabukasan (Romans 8:28). Kayang gamitin ni Lord ang masasakit mong karanasan upang hipuin ang puso ng ibang tao. Mas lulutang ang iyong pusong mapagmahal dahil naranasan mong damayan at makiisa sa damdamin ng iba. Mas matatag ka kaysa noong una.
Sa pag-ibig, hindi maiiwasang ikaw ay masaktan dahil may mga bagay na hindi sakop ng iyong kapangyarihan. Ganundin, hindi mo kailangang magdusa para matuto. Ilang libo, ilang milyon na ang lumuha sa iba't ibang kamalian. Matuto sa kanila kung ayaw mong masaktan.
Libreng mag-isip. Maging matalino. Linisin ang utak (Romans 12:1-2). Rendahan ang mapanlinlang na emosyon (Jeremiah 17:9). Higit sa lahat, unang mahalin ang Panginoon (Matthew 22:37).
Tandaan: ang tamang pakikipagrelasyon hindi nagbubunga ng sakit kundi ng matamis na pag-ibig.
Let's pray. "Lord, turuan mo akong maging matalino sa pakikipagrelasyon. Ibinibigay ko sa iyo ang lahat ng mapait kong karanasan at damdamin. Patawad sa lahat ng aking pagkakamali. Ikaw ang muling bumuo ng gula-gulanit kong kaluluwa. Sa Iyong mga kamay inilalagak ko ang aking puso. Amen."
No comments:
Post a Comment