Perhaps a great love is never returned. - Dag Hammerskjold
May isang remarkable love triangle sa Genesis. Matindi ang dinanas ni Lea nang mapangasawa niya si Jacob at maging kakumpetensiya niya sa pag-ibig ang kaniyang nakababatang kapatid na si Rachel (Genesis 29-30). Kinailangan niyang magtiis at manlimos ng pag-ibig. Martir na asawa ang peg niya--unloved sabi ng Bibliya. Ikinasal kasi siya bunga ng panlilinlang ng kaniyang ama na si Laban. Siya ang pinasiping kay Jacob sa halip na si Rachel dahil labag daw sa tradisyon na unang mag-asawa ang nakababatang kapatid.
Nagtiis si Lea dahil marahil dahil alam niyang hindi talaga siya ang tunay na pag-ibig ni Jacob. Swak na swak sa kaniya ang kaniyang pangalan na nangangahulugang "malamlam ang mga mata". Natigib ng luha at kalungkutan ang kaniyang buhay. Pero mabait si Lord kay Leah. Binuksan ni Yahweh ang kaniyang sinapupunan habang nanatiling baog si Rachel (29:31). Sa 13 anak ni Jacob, pito ay nagmula sa kaniya (Reuben, Simeon, Levi, Judah, Issachar, Zebulun at Dinah), dalawa mula sa alipin na babae ni Rachel na si Bilha (Dan at Naphthali), dalawa sa aliping babae ni Leah na si Zilpah (Gad at Asher). Si Rachel naman ang naging ina ni Jose at Benjamin.
Na-Lea ka na ba? Dedma ka sa paningin ng iba. Hirap na hirap kang makakuha ng "kahit konting pagtingin" mula sa taong pinapangarap ng iyong kaluluwa.
Ang katotohanan: hindi mo kayang pilitin ang iba na mahalin ka. Well, hindi naman talaga dapat pinupuwersa ang pagmamahal. Walang tunay na saya sa relasyong hindi natural.
Normal na mag-expect. Normal na "umasa". Because we want to be loved. We want to be affirmed. Kapag hindi nasuklian ang ating pag-ibig, we feel rejected.
Dahil mahal mo siya, sinusundan mo kahit saan siya magpunta. In-add mo sa Facebook para laging mo siyang nakikita. Nag-enroll ka sa same university. Same course. Same subjects. Same room. Same-same. Kasi akala mo magiging same ang feelings.
Nagmamahal ka pero friends lang talaga ang turing sa iyo. Hanggang friendzone lang talaga. Wala nang ilalampas pa. Ikaw naman, asa nang asa. Pinagpe-pray mo: "Lord, sige na, buksan mo na ang kaniyang mga mata!"
Never fall into imaginary romance. Stop fantasizing na mahal ka rin niya. Kasi ang totoo, hindi kayo. Nagsisinungaling ka sa iyong sarili. Kung may kasama siyang iba, huwag kang mananaghili. Remember: may mga taong nagmamahal sa iyo na hindi mo rin pinapansin. Kaya unfair ka rin sa kanila.
Hindi kailangang "exchange gift" ang pag-ibig. Kapag nagmamahal ka, nagmamahal ka lang. Hindi naghihintay ng kapalit. Kapag lagi kang umaasa na susuklian ang iyong pag-ibig, hindi ka makukuntento. Dahil hindi lahat ng tao marunong makaunawa sa pangangailangan mo. It is better to give than to receive (Acts 20:35).
Walang talo sa taong nagmamahal. Huwag matuon sa kung ano ang matatanggap. Ang kaligayahan mo ay dapat magmula kung paano mo napapangiti ang iyong kapwa. Hindi "gayuma" ang sagot upang ikaw ay lumigaya, kundi ang patuloy na magmahal pa.
Mahalin ang iyong sarili. Hindi dapat umikot ang mundo mo sa sinuman. Sa pag-ibig ni Lord ka manahan. Huwag mo ring kalimutan ang mga mahal mo sa buhay na iyong sandigan sa panahon ng kalungkutan.
Si Lord nga hindi tinanggap ng sarili niyang bayan (John 1:11). At nang magkagipitan na, iniwan siya ng kaniyang mga tagasunod (Mark 14:50). Sa halip na parusahan sila sa kanilang kataksilan, ginawa pa rin Niya ang kalooban ng Kaniyang Ama--ang mamatay sa Krus para sa kasalanan ng sangkatauhan.
Sa maraming pagkakataon, hindi natin pinapansin si Lord. Mahal na mahal ka Niya. Ikaw lab mo ba talaga siya?
Let's pray. "Salamat Panginoon sa iyong hindi nagmamaliw na pag-ibig sa akin. Tulungan mo akong maging kuntento sa iyong pagmamahal. Ayaw kong umasa sa ibang tao upang lumigaya. Ikaw ang kumumpleto sa aking buhay. Amen."
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Saturday, June 08, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
No comments:
Post a Comment