Friday, November 22, 2013

PROPESIYA, PANGAMBA AT PAGBABALIK-LOOB

Ilang katanungan ang natanggap ko ukol sa kumakalat sa social media na mga propesiyang binitiwan ng dalawang Indian prophets--si Vincent Selvakumar at Sadhu Sundar Selvaraj. Nakakagulantang ang mga deklarasyon—magmula sa paglipol sa pamamagitan ng baha at bagyo hanggang sa nakapandidiring “flesh-eating disease” na magmumula sa Pangasinan at iba’t ibang panig ng bansa. Ito ang aking posisyon ukol sa isyu.

First, we should never despise prophecies (1 Thess. 5:20). Prophecies as used here refers to “prediction” and “foretelling”. Punong-puno ang Bibliya ng mga istorya na naganap bunga ng propesiya. Hindi ako naniniwalang natigil na ang pagbibigay ng Panginoon ng mga rebelasyon sa pamamagitan ng mga propeta. May sadyang tinawag talaga sa ganitong ministeryo at gawain (Eph. 4:11-13, Amos 3:7). God reveals himself in different ways—through dreams, visions, signs, wonders and miracles (Num. 12:6, Joel 2:8-9, Mark 16:17-18).

Ganunpaman, kailangang salain ang mga prophetic declarations ng ilang bagay. Una, sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Pangalawa, sa pagsilip sa credentials at character ng mga nagsasabing propeta. Pangatlo, sa kung ano ang ipinararamdam ng Banal na Espiritu sa mga mananampalataya sa bawat panahon sa kasaysayan.

Unahin natin ang Salita ng Diyos.  The Bible is our final authority on matters of faith (Matt. 4:4, 2 Tim. 3:16-17). Kung ang isang propesiya ay kumakalaban sa katotohanan ng Salita ng Diyos, aba’y magtaka ka na (Deut.13:1-4). Ang mga extra-Biblical revelations ay dapat itinatapon sa basura (Isaiah 8:20, Gal. 1:8-9).

Pangalawa, nakikilala ang isang tunay na propeta ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang karakter at mga gawa. By their fruits, you shall know them (Matt. 7:16). Lantad ba sa buhay nila ang “fruit of the Spirit”? (Gal. 5:22-23). Sino ba ang kanilang binabandera? Ang kanilang sarili o ang Panginoon? At ito pa ang ultimate test: nagaganap ba ang kaniyang mga sinasabi? (Deut. 18:22, Jer. 28:9). Moreover, a prophecy must exalt and proclaim the Biblical Jesus (1 John 4:1-2). Remember: the testimony of Jesus is the spirit of prophecy (Rev. 19:10).

Pangatlo, ang lahat ng tunay na Cristiano ay ginagabayan ng Banal na Espiritu na siyang tatak ng kanilang kaligtasan (Eph. 1:13). At Siya ang magpapahayag ng katotohanan sa bawat isa (John 15:26). God’s sheep hear His voice (John 10:27). Simple lang ang logic: kung walang resonance sa puso ng mga mananampalataya, maaaring huwag pansinin at isawalang-bahala. Ganunpaman, hindi lahat ng mananampalataya ay “in-tuned” sa Panginoon sa lahat ng pagkakataon bunga ng kasalanan at kawalan ng malapit na relasyon sa Kaniya. At doon pumapasok ang problema. Kapag nangingibabaw ang iyong “flesh” kaysa espiritung sensitive sa galaw ng Panginoon, maaaring ma-miss out mo ang sinasabi Niya.

Balikan natin ang propesiyang binitiwan ng mga Indian prophets. Sa aking pagsusuri at panonood ng ilang Youtube videos at pagbabasa ng 20-page transcript na inilabas ng Intercessors for the Philippines (IFP), na may pamagat na “Warnings, Punishments and Judgments for the Philippines if the nation does not return to God”, masasabi kong hindi mauunawaan at matatanggap ng ilan ang dokumento. Samahan mo pa ng ilang kakaibang mga pahayag ukol sa mga matatangkad na anghel at mga “bowls of wrath” statements, siguradong mapapaisip o magugulantang ka.  Ito ang buod ng pahayag:

“If you don’t repent and pray God has planned much destruction all over the Philippines which are very disastrous. The cup of God’s wrath over the Philippines is very, very disastrous. There will be much disaster all over the land. The Lord will give you over to flood and waters. The Lord will torture your land with typhoons and hurricanes. The Lord will plague the land with diseases. The Lord will punish your land with famine and scattering.” (pp. 1)

Ayaw kong matuon sa eschatology (study of last days) at usapin ng dispensationalism at last day blessings, kundi sa mas mahalagang mensahe ng propesiya. Sa kabila ng mga nakakagimbal na mga detalye, natapos ang lahat sa panawagan na manalangin at “magsisi” para sa kasalanan ng sambayanan. Sa ganang akin, ito ang clincher statement. At walang tunay na anak ng Diyos ang tatanggi sa mensaheng ito. May propesiya man o wala, hindi natatapos ang panawagan sa lahat na lumayo sa kasamaan at manumbalik sa piling ng Diyos.

Dahil sa habag at biyaya ng Diyos, hindi Siya basta-basta nagpaparusa. Gumagamit siya ng mga tao upang ipahayag ang Kaniyang kalooban. He forewarns people who are ripe for punishment (i.e. Israelites and Nineveh). Samakatwid, hindi ko huhusgahan ang propesiya sa mga bagay na hindi nito natupad, kundi sa mga bagay na sinabi nito na naganap. Mas gusto kong isipin na isa itong panawagan na mamuhay sa kabanalan at katuwiran ng Diyos. Makinig ang may pandinig!

No comments: