Unang
nabasa ng publiko ang Lovestruck (Love Mo Siya? Sure Ka Ba?) noong Oktubre
2010. Pormal siyang inilunsad noong Pebrero 2011 at naging best-seller matapos
ang tatlong buwan. Matapos ang mahigit isa’t kalahating taon, sinundan ko ito
ng "red book" para sa mga marriables and professionals na naghahanap
ng pag-ibig o kaya naman ay nais nang selyuhan ang kanilang pagmamahalan. Ang
totoo niyan, wala akong balak na sundan ang libro dangan lamang ay dumami ang
mga counsellee ko (online at offline) na nagtatanong ukol sa mga isyu na hindi natalakay
sa unang libro. Ang Single Edition ang munting tulong ko para sa kanila.
Nakalaan
ang unang chapter para unawain ang iba’t ibang uri ng singles at ang dahilan
kung bakit nananatili sila sa ganoong kalagayan. Kinailangan kong makipag-usap
sa mga kaibigang wala pang karanasang magka-partner (Single Since Birth) o kaya
naman ay grabe na ang pinagdaanan sa relasyon. Ang typologies na mababasa ninyo
ay produkto ng ilang focus group discussions at interviews na aking ginawa mula
December 2011 hanggang Marso ng taong 2012.
Nakahain sa Chapter 2 (You Were Born This Way) ang general traits and characteristics ng lalake at babae ayon sa mga pag-aaral at pananaliksik. Marami sa mga katangiang ito ay nasasaksihan rin natin sa iba't ibang kultura. Importanteng maintindihan ng bawat isa ang ugali at katangian ng opposite sex upang lubos na magkaunawaan. Madalas kasi kinakapit sa babae o lalake ang mga katangiang hindi naman talaga akma sa kanila. Nagmumula ang libro sa perspektibang nilikha ng Diyos na magkaiba ang lalake at babae bagaman may mga "gender/social roles" na maaaring mabago sa pagdaan ng panahon.
Nakahain sa Chapter 2 (You Were Born This Way) ang general traits and characteristics ng lalake at babae ayon sa mga pag-aaral at pananaliksik. Marami sa mga katangiang ito ay nasasaksihan rin natin sa iba't ibang kultura. Importanteng maintindihan ng bawat isa ang ugali at katangian ng opposite sex upang lubos na magkaunawaan. Madalas kasi kinakapit sa babae o lalake ang mga katangiang hindi naman talaga akma sa kanila. Nagmumula ang libro sa perspektibang nilikha ng Diyos na magkaiba ang lalake at babae bagaman may mga "gender/social roles" na maaaring mabago sa pagdaan ng panahon.
Sandamukal
namang iyakan at lungkot ng buhay ang nasaksihan ko kung bakit mayroong chapter
ukol sa mahiwagang M.U. (Chapter 4)
at Moving On (Love versus Zombies,
Chapter 6). Hindi nagbabago ang prinsipyo ng Bibliya pagdating sa paggamot sa sugatang
damdamin. Kung gusto ninyong muling mabuo ang inyong gula-gulanit na puso,
ibigay sa Panginoon ang mga "broken pieces". Mahalagang tulungan ang
sarili. Magdesisyon na kumawala sa mapait na karanasan. Hayaan ninyo ring
tulungan kayo ng mga taong tunay na may "concern" sa inyong love
life.
Ibinulgar
ko sa Chapter 5 (How Do I Love Thee?)
ang mga bagay na nagpapatibay ng pagmamahalan namin ng aking DearestGie. Mahalaga
din na maglaan ng kasagutan ukol sa isyu ng May-December love affair at LDR
(Long-Distance relationship). Iwas-tukso rin dapat ang magsing-irog pagdating
sa premarital sex (PMS). Kailangang rendahan ang physical intimacy upang maging
mas mapalalim ang pagmamahalan sa isa't isa.
Ang
Single and Ready to Mingle (chapter
7) ay para naman sa mga humihingi ng tips kung paano sila mapapansin ng
kanilang "long-term crush" na laging kasama sa kanilang prayer items.
Madalas, mga ladies ang lumalapit sa akin sa bagay na ito. Kinausap ko ang ilang lalake kung ano ang nakaka-turn
on at turn-off sa kanila. At ilan lamang ang nasa libro upang tumaas ang
prospects na ikaw ay mapansin.
Kabilang
sana sa unang libro ang Chapter 8 (Before
You Say I Do). Pero dahil "waiting mode" ang tema ng white volume,
minabuti ko at ng aking editor na isantabi muna siya. The chapter include my
"tried and tested" tips for those who would like to tie the knot. May mga checklist na kailangang tingnan para
maging maayos ang buhay bago at matapos ang wedding day.
Pray
with me as I finish Lovestruck Part 3 ukol sa isang paksang kailangang
pag-usapan dahil BIG DEAL sa buhay ng marami. Have a blessed February. Spread
the LOVE!
No comments:
Post a Comment