Sabihin ninyo nang MORALISTA ang mga kumokondena sa ginawang pagpapasayaw kay Jan-jan sa Willing-Willie noong March 12.
Sabihin ninyong nang KILL-JOY ang mga hindi natuwa sa “entertainment value” (daw) ng macho-dancing ng bata.
Sabihin ninyo nang OA ang mga nagkokomento ukol sa isyu dahil gumagawa sila ng "mountains out of molehills."
Pero may isang hindi mapapasubaliang katotohanan. Bata si Jan-jan. Mura ang isipan. Wala pang muwang. Masunurin sa magulang.
Ano ang itinuturo sa atin ng kaniyang kaso?
Una, ang laban na ito ay hindi lamang para sa kaniya kundi sa lahat ng batang Pinoy. Hindi sila dapat pinaglalaruan at ginagawang instrumento ng matatanda upang magkamal ng “salapi”.
Pangalawa, maraming magulang ang hindi alam ang kanilang responsibilidad na protektahan ang kanilang mga anak. Ito ang ipinahayag ng Commission on Human Rights ukol sa isyu.
"The willingness of Jan-Jan’s parents to expose him, both in private and public, to a humiliating and degrading situation is child abuse. The Commission is also deeply alarmed that the abuse suffered by Jan-Jan was seen on national television and that its videos are being repeatedly watched by the public, including children."
Ito naman ang pahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman:
"The Department of Social Welfare and Development (DSWD) condemns the emotional abuse and humiliation bestowed on a six-year-old child contestant, during the March 12, 2011 episode of the Willing Willie show aired on TV5.
Iimbestigahin din ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kaso:
The Board further emphasizes that whenever children are featured in television programs, producers are mandated to observe legal standards stipulated in R.A. 7610 to avoid “psychological abuse xxx cruelty, sexual abuse and emotional maltreatment” and “any act by deeds and words which debases, degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of the child.”
Sa March 28 episode ng Willing-Willie, hindi kapani-paniwala ang sinabi ng magulang ni Jan-Jan na “macho-dancing” ang gustong-gusto ng bata kaya ito ang kaniyang ginawa. Parang sinasabi ninyo na rin na lahat ng six-year old ay may “instant knowledge” ng ganitong uri ng sayaw. Ginawa iyon ni Jan-Jan dahil may NAGTURO. Period.
Ang tanong ng iba: “Ano ang masama sa macho-dancing? Hindi ba “talent” iyon?” Pero mali ang tanong. Hindi ito usapin ng talento kung hindi “motibo” at “kaakmaan” ng sayaw. Gusto ninyo bang macho-dancing ang sayawin ng mga anak ninyo sa Kiddie Party? Wala na bang ibang sayaw na maaaring ituro sa bata?
Hindi mangmang ang Pinoy. Ang sensual dancing ay sensual dancing. Ayaw kong makita ang susunod na henerasyon ng mga musmos na ang bukambibig kapag nababagot: “Nay, Tay, sayaw naman tayo ng macho-dancing” (with matching tears).
Pangatlo, inilantad ng kaso ang kapangyarihan ng social media. Kung walang Facebook at Youtube, hindi mabubulgar ang “excesses” ng programa (na matagal nang lantad). Naganap ang eksena noong March 12. Makalipas ang isang linggo matapos ilabas ang Youtube Video, umalma ang maraming Pinoy. Naging hinog ang mga emosyon at argumento dahil sa palitan ng opinyon. May malawakang “consensus” na naabuso si Jan-Jan. Itapat mo lang ang higanteng si Bonel Balingit upang takutin ang bata at tuksuhin kung lalaban siya ay isang uri na ng “emotional abuse”.
Pang-apat, hindi dapat pinalalampas ang “iresponsableng” mga TV hosts/shows na umaabuso sa kanilang karapatan. Notorious si Willie at ang kaniyang programa sa paglikha ng “kultura ng panlilimos”. Tinatakam nila ang mga tao ng pera kaya nagkakandarapa sila (at nagkaka-stampede pa) sa pagpila sa kaniyang programa. Isinulat ng batikang manunulat na si F. Sionil Jose sa kaniyang librong, "Why we are Poor” (Termites in the Sala, Heroes in the Attic) ang kaniyang kalungkutan sa bagay na ito.
Media are largely to blame, especially the talk show host on television and some editors of entertainment and features section. They pander to the crassest tastes. Indeed, we have willfully relegated our sterling heroes in the attic where they are conveniently forgotten - while on our TV screens, are anointed with honors, we show them off like heirlooms that adorn our living rooms, not realizing they are actually the termites that will eventually bring our house down.
Hindi nagkaroon ng 400,000 hits ang Youtube Video ni Janjan dahil sinusuportahan ng marami ang Willing-Willie, kundi dahil INABUSO ng mga matatanda ang bata! Balikan natin ang sinasabi ng Panginoon sa Mateo 18:6:
Ngunit ang sinumang maging katitisuran sa isa sa mga maliliit na ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng malaking gilingang bato ang kaniyang leeg at itapon sa dagat.
Huwag nating ibulid sa kasamaan ang mga musmos. Ingatan sila, protektahan at palakihin sa tamang uri ng pamumuhay.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
1 comment:
Visit Antipinoy.com. Maraming articles doon about the Jan Jan incident.
Post a Comment