Wednesday, March 23, 2011

HOW TO MOVE ON: C.P.R.

Sa loob ng apat na taon, inakala ni Julia na papunta na sa kasalan ang kaniyang relasyon sa kaniyang BF. Nagbago ang ihip ng hangin nang maramdaman niyang unti-unting nawawala ang init ng pagmamahal sa kaniya ng kaniyang partner. Wala nang matatamis na SMS messages at dumadalang na ang pakikipag-date. Pinilit niya itong hindi pansinin (i.e. baka busy lang talaga). Hanggang sa matanggap niya ang pangungusap ng kaniyang BF na sadyang “tuyo” na ang kaniyang damdamin para sa kaniya. Lumipas ang ilang linggo na walang komunikasyon. Walang maibigay na dahilan ang lalake sa pagkawala ng romantic spark. Walang maisip si Julia na kaniyang nagawa upang iwan siya ng kaniyang BF. She is now battling with depression.

Kapag break-ups na ang pinag-usapan, walang masaya. MASAKIT. As in MASAKIT. Ikaw ba naman ang mag-invest ng emosyon, panahon at salapi sa iyong minamahal at biglang maglalaho ang lahat. Kahit sabihin pang ginawa mo ang lahat ng iyon “out of love”, may lakas kang binuhos doon. Feeling mo, nalugi ka at "naglaho" ang kalahati ng iyong buhay.

Kung member ka ng PC- Pighati Club, you need C.P.R..

CRY. Madaling sabihin na kalimutan na ang lahat at magsimula muli. As if walang nangyari sa ilang taon na kayo ay nagkasama. Magpakatotoo ka brother/sister. Hindi masamang umiyak. Iyak lang. Kung kailangang humagulgol, hagulgol (huwag naman habang sakay ng MRT, jeep o bus). May cathartic effect ang pagluha. Ilabas ang lahat ng mabigat na emosyon. Pero sa iyong paghihinagpis, ipanalangin mo na samahan ka ni Lord. He is near to the brokenhearted at mapapagaan Niya ang iyong mga kabigatan (Psalm 34:18, Matthew 11:28). Puwede mong sabihin sa kaniya: “Lord, alam mong labis akong nalulungkot. Puwede mo ba akong yakapin?” In His presence, you can find comfort and peace.

PONDER ON WHAT HAPPENED. Habang kinakalma ang iyong kalooban, pag-isipan ang ilang bagay sa iyong buhay. Have a time of reflection. Isuko ang lahat ng galit at emosyon sa Panginoon. Madalas iniisip natin na wala tayong kasalanan sa isang natapos na relasyon. Hindi makakabuting ibunton ang lahat ng sisi sa iyong partner. Lalo ka lang magkaka-high blood. Kung wala kang ginawang masama para hiwalayan ka, maaaring may mali ka pa rin. Kasi pumili ka ng maling tao. Be ready to accept your shortcomings. Have a firm resolve not to repeat your blunders. Ganundin, tingnan ang lahat ng pagsubok sa buhay bilang magagandang aral. Remember that all things can work together for those who love God (Romans 8:28).

REBOUND. Decide to move on. Ang pagbangon mula sa mapait na karanasan ay isang desisyon. May panahon ng pagluluksa. May panahon din ng pagsisimula. Huwag sirain ang iyong buhay dahil lamang sa isang “glitch” sa isang episode ng iyong personal na telenovela. Warning: sa panahon ng emotional recovery, huwag agad tatalon sa isang relasyon. A recuperating heart is susceptible to emotional mistakes. You can make a happy ending lalo na kung si Lord ang director ng iyong buhay. Kaya Niyang bigyan ka ng partner na mag-aalaga sa iyong puso. As you wait for Mister/Miss Right, be the RIGHT person. Gamitin ang iyong mapait na karanasan upang tulungan ang iba. Ika nga ni Henri Nouwen, we are all "wounded healers".

No comments: