Nagsimula ang kuwento sa Hardin ng Getsemane kung saan marubdob na nanalangin si Jesus. Dumating ang mga tauhan ng punong saserdote, kasama si Hudas Iscariote, upang siya ay arestuhin. Sa sobrang galit, tinagpas ni Pedro ang tenga ng isa sa mga nais dumakip sa Panginoon (Marcos 14:47). Pinilit ni Pedro na sumama sa karamihan patungo sa bahay ng punong saserdote nang hindi napapansin. Pero nabigo ang kaniyang plano. May nakakilala sa kaniya. Nang siya ay magipit, itinatwa niyang kilala niya si Jesus. Doon siya naalimpungatan at naalala ang sinabi sa kaniya ng Panginoon na bago tumilaok ang manok sa umaga, itatatwa niya ito nang tatlong beses (Lucas 22:28-30).
Pagmuni-munian natin ang naganap sa buhay ni Apostol Pedro at ang mga bagay na dapat nating isabuhay.
Christians are not called to be “closet disciples”. Dahil marahil sa takot na arestuhin at makulong, hindi niya magawang lumapit sa karamihan habang sinusundan si Hesus papunta sa bahay ng punong saserdote. Hindi siya handa sa anumang parusang maaari niyang danasin kung malaman ng maraming tao na tagasunod siya ni Cristo. Ang tunay na Cristiano ay hindi ikinakahiyang mabansagang Cristiano. Bahagi ng ating pagsunod kay Cristo ang pag-alipusta at paglibak mula sa mga hindi mananampalataya (Mateo 5:11, Juan 15:18-21). Hindi na tayo dapat ma-sorpressa. Nakalulungkot isipin na mas pinahahalagahan ng iba ng kanilang reputasyon higit sa pagtingin sa kanila ng Diyos. Marami ang “bigat na bigat” dalhin ang kanilang Bibliya dahil sa pangambang masabihan na “Holy, Holy” ng kabarkada at kapitbahay. Mayroon ding nagiging allergic sa pagsasambit ng “Praise the Lord” o “Hallellujah” kapag kasama ang kabarkada. Ang sinumang magmakahiya sa Panginoon sa harap ng maraming tao ay ikakahiya rin Niya sa harap ng kaniyang Amang nasa langit (Mateo 10:32-33).
You can easily succumb to these attitudes if you want to follow Jesus “from afar”. Pero hindi iyon ang nais ng Panginoon. Real discipleship is walking with Jesus in an intimate manner. Hindi ka maaaring maging “undercover agent.” Instead, you should be a “city on the hill” (Mateo 5:14). Kailangang mangibabaw sa lahat ng iyong ginagawa ang kabanalan at kabutihan ni Cristo.
We should never wound the heart of God. Sobrang pighati ang naramdaman ni Pedro. Bakit? Dahil naramdaman din niya ang kalungkutan ng Banal na Espiritu na nananahan sa kaniyang puso (Galacia 5:17, Efeso 4:30). Sinaktan niya ang puso ng Panginoon. Hindi siya naging tapat sa kaniyang pangakong hindi niya kailanman iiwan si Jesus habang siya ay nabubuhay (Mateo 26:35, Juan 13:37, Lucas 22:23, Marcos 14:29). Nagsabi pa siya ng sumpa sa kaniyang sarili nang isagot niya sa mga taong nagtanong sa kaniya: "Sumpain man ako ng langit, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!" (Marcos 14:71).
Napalingon si Jesus kay Pedro. Mabigat ang kahulugan ng titig na iyon. Parang sinasabi sa kanya: “Talaga bang hindi mo ako kilala?” Mas nangibabaw ang lungkot kaniyang puso. Itinuring niya si Pedro na isa sa pinagkakatiwalaan niyang disipulo. Parang isang tabak na itinarak sa kaniyang dibdib ang pagtatwa sa kaniya ng isang malapit na kaibigan.
We should never hurt the heart of our Master who loves us unconditionally. Huwag tayong gagawa ng anumang bagay na alam nating ikakasira ng magandang imahe ng ating Diyos. We should never give Jesus and Christianity a bad name.
Remember that God is a loving and forgiving God. Matapos mamatay sa krus ni Hesus, binalikan niya si Pedro. Nakita niya ito sa dati nitong buhay—ang maging mangingisda. Kung paanong tatlong beses niyang ikinaila ni Pedro si Jesus, tatlong beses din siyang tinanong kung talagang mahal niya ang Panginoon (Juan 21:15-17). Naging madamdamin ang kaniyang tugon: “Nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo”. Muling nagningas ang init ng pagmamahal niya kay Jesus.
Anumang kasalanan ang ating nagawa, tandaan natin na mapagpatawad ang Diyos (1 Juan 1:9, Awit 103:12). He is near to those who are brokenhearted (Awit 34:18). He is a God who restores. Sa kabila ng ating kasalanan, pinili Niyang iligtas tayo (Roma 5:8). Hindi ito bunga ng ating mabuting gawa, kung hindi dahil sa kaniyang purong habag at biyaya (Efeso 2:8-9). Kalooban ng Diyos na talikdan ng lahat ang masama nilang gawi at magkaroon ng personal na relasyon kay Cristo—ang tanging daan tungo sa langit (Juan 3:16; 14:6).
Ito ang pinakadakilang mensahe ng Mahal na Araw.
Kung mahal mo si Lord, isusuko mo ang iyong BUONG buhay sa kaniya. Walang matitira sa iyong sarili. Lahat para sa kaniya. Kung hindi mo pa ito nagagawa, maaari mong nang simulan. Ngayon na.
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
No comments:
Post a Comment