Wednesday, August 20, 2014

LOVESTRUCK: Sakit Edition (Overview)

Challenging ang pagsusulat ng fourth instalment ng Lovestruck series. Kailangang galugarin at halukayin ko muli ang mga counselling requests sa FB/email inbox ko upang makita ang “pattern” ng mga kamalian sa relasyon. Kung isa-summarize ko ang mensahe ng librong ito sa isang pangungusap, ito iyon: “Matuto tayo sa kamalian ng iba.”

Lagi nating naririnig na experience daw ang best teacher. I beg to disagree. Kulang ang statement. Evaluated experience ang dapat na nagtuturo sa atin. Kaya paulit-ulit ang pagkakamali sa relasyon ay dahil hindi natututo ang marami sa kanilang kamalian at sa masamang karanasan ng iba. Tuldukan na natin iyan sa lalong madaling panahon.

Ang bawat chapter ng librong ito ay naglalaman ng mga kwentong tumatalakay sa walong common relationship blunders na kalimitang inilalapit sa akin for counseling (online at offline). Ang iba, nadapa na at sumumpang hindi na uulitin ang kanilang grand bloopers. Ang iba, bumabangon pa rin at nagpapatuloy sa laban sa buhay. Don’t worry, bagay din ito sa mga malinis pa ang emotional record. Huwag na ninyong hintaying kayo naman ang magkalasog-lasog ang puso. Identify na natin ang mga land mines sa relasyon.

Sisimulan natin ang kuwentuhan sa mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan sa relasyon (Mahal na Mahal Kita Kahit Ang Sakit Sakit Na). Kasunod nito ang pag-unawa sa kung paano humulagpos mula sa isang sa isang disaster na pagsasama (Let it Go! Let It Go!). Lahat ng nag-endo kailangang maayos na maisara. After that, move on na!

Laman ng pangatlong kabanata ang notorious reason bakit maraming singles ang nababasted kahit wala pang karelasyon—ang espiritu ng pagiging assumero at assumera (Akala Mo Lang Meron Pero Wala! Wala! Wala!). Don’t forget the golden rule: iwas asa, para iwas nganga.

Kailan kayo dapat ituring na magkaibigan lang o magka-IBIGan na? (Oh, Yes Kaibigan Mo Lang Ako, Kaibigan Mo Lang Ako!). Ito ang chapter para sa mga tumatambay sa maraming zones—friendzoned, kuya-zoned, ate-zoned, siopao-zoned (akala mo special relationship na, bola-bola lang pala). Isama mo na ang Twilight zone kapag na-busted ang relasyon.

Chapter 5 explores the dynamics of betrayal in relationship. Mas malalim ang pinagsamahan, mas mahirap makarecover sa kataksilan (Once, Twice, Thrice? Gaano Kadalas ang Minsan?). Swak na swak ito lalo na sa mga asawang inabandona at iniwang luhaan.

Para naman sa mga may damdaming “nalugi” ang chapter 6 (You Had Me At My Best But You Chose to Break my Heart). Sila iyong mga  nagbuhos ng matinding pagmamahal, panahon, pera pati pato at panabla pero sinemplang pa rin ng partner nila.  Paano makakabangon sa ganitong ouch moments ng buhay?

Hindi mawawala sa listahan ang mga isyung nakakabit sa irresponsible sexual behaviour (Just Shut Up and Kiss Me…But Don’t You Dare Fall in Love with Me!). Basahin natin ang mga kuwento ng mga nadapa sa Chapter 7.

Ang pinakahuling bahagi ay ang chapter ng pag-asa (Tell Me Where It Hurts). Sa  kabila ng mga gula-gulanit na kaluluwa at mga matang wala nang mailuluha, may nag-aabang na pag-asa mula sa Panginoon. Iyon ang pinakamahalaga.

Pagkatapos ng Sakit Edition, of course, may kasunod pa. Always smile kapatid!

No comments: