Ang UP College Admission Test (UPCAT) ang itinuturing na pinakamahirap na college admission exam sa bansa. At least 60,000 estudyante ang kumukuha nito taon-taon pero on average 17 porsyento lang ang pumapasa. Call that your foretaste of the Bar Exam. Ang pagpasa sa exam na ito ay hindi lang madadala sa panalangin sa mga santo at pag-aayuno. Given na iyon. Of course, kailangan ninyong lumapit sa Panginoon for encouragement and wisdom. Here are my tips para sa mga nagbabalak. Baka makatulong.
1. EXCELLENT STUDY HABITS. Kung matino kang mag-aral noong haiskul at kabilang ka sa mga disiplinadong estudyante ng batch mo (usually pilot section members), mas mataas ang tsansa mong pumasa. Again: Mas mataas ha at hindi garantiyang papasa ka. Kakailanganin mo ang sandamukal na stock knowledge. Dahil hindi mo alam kung ano ang itatanong, kailangang matagal nang nakabaon sa utak at puso mo ang maraming aralin. Huhugutin mo na lang kapag nagi-exam ka.
2. REVIEW and INQUIRE. Magtanong-tanong sa mga pumasa kung ano ang dapat na pag-aralan. Marami kang makikitang sample questions sa Internet. Practice answering sample questions. Also, mataas ang pagpapahalaga ng UPCAT sa wikang Filipino kaya balikan ang mga aralin sa tamang paggamit ng panag-uri, pandiwa at iba pa. Kahit mga Science at Math questions ay maaring itanong sa wikang ito. Ito ang kalbaryo ng mga estudyanteng nasanay ang dila sa pagsasalita ng Ingles. Alam ninyo na ang gagawin: review review na ng Filipino lessons.
3. IMPROVE YOUR READING AND TEST-TAKING SKILLS. Mabilis ka dapat umunawa ng iyong binabasa. Kung hindi ka na magaling at mabilis magbasa, madedehado ka. Sinusukat din ng exam ang iyong test-taking skills. Hindi madadaan sa Eenie-Meenie-Miny-Moe yan. Kaya sanayin ang sarili na laging nagbabasa at of course, umunawa nang mabilis. You are subject to time pressure. Manage your time wisely. Huwag masyadong magtagal sa mga tanong na mahirap sagutin. Balikan na lang kung may oras pa. Answer all items. Have your most intelligent guesses.
4. RELAX, TAKE THE EXAM. Huwag pagurin ang utak. Pagpahingahin na 24 hours before the exam. Baka sa sobrang kaba, kumalam at nag-hyperacidity, nahilo at na-stressed. Kapag hindi ka relaxed habang nagsusulit, mahirap sumagot nang tama. Kumain ng pagkaing tatagal ng at least 4 na oras sa sikmura. I tell you, kapag nasa exam room ka na, mahirap nang ngumuya. Lalo na kung hindi mo masagot ang tanong. Nakakawala nang gana.
5. CONFIDENCE matters. You need to feel good, before and after the exam. Kung sa simula pa lang sinasabi mo na sa iyong sarili na hindi ka papasa, aba'y malaki ang posibilidad na hindi ka nga talaga papasa. Nagbayad ka pa ng exam fee! Do your best and hope for the best. Kung hindi ka man pumasa (there is a possibility), at least naranasan mong kumuha ng itinuturing na pinakamahirap na exam sa buong bansa. Achievement na rin iyan. Pero I believe, kayang-kaya mo iyan! Just BELIEVE. May the Lord’s wisdom be upon you as you take the exam.

1 comment:
These are wonderful tips in taking the UPCAT exam. By the way I found a great post about Notable UPCAT Alumni here.
Post a Comment