Monday, December 20, 2010

SNP, not SMP (Malamig ba ang iyong Pasko?)

Kawawa ka naman at single ka ngayong pasko
ilang taon ka nang ganyan
ka-date mo na naman ang nanay mo at
bibili na lang ng Christmas card
at susulatan ko na lang ito
ng Merry Christmas happy new year - to me


-Christmas Single by Rocksteddy


Ngayong Pasko, walang epekto ang Global Warming.

Lalo na sa mga mga miyembro ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko) at LHC (Lonely Hearts Club). Sila ang mga singles na hindi pa nakakahanap (o nahahanap?) ng kanilang significant other, kaya walang mayakap sa gitna ng malamig na simoy ng hanging Amihan.

Pero dapat ba talagang magkaroon ng ka-partner para maging “mainit” ang Holiday season? Tama ba ang mensahe ng awit ng Rocksteddy na “kawawa” ang mga singles ngayong Pasko?

Of course not. Hindi natin dapat tingnan ang Kapaskuhan bilang pagkakataon upang pumasok sa isang relasyon bunga ng kabi-kabilang “pressures” ng mga taong nakapaligid sa atin.

Sa katunayan, kung magsasama-sama ang mga SMP members, siguradong mawawala ang kanilang kalumbayan at iinit ang kanilang Kapaskuhan.

See singlehood as a blessing, not a curse. Kung single ka, you will have more time for yourself, family and friends. Kung single ka, malaya kang makakakilos at magplano ukol sa maraming bagay dahil hindi ka nakatali sa isang relasyon tulad ng mga doubles (iyong may mga ka-relasyon).

Being an SMP is a state of mind. SANAYAN lang daw iyan. Kung nakasandig ang iyong kaligayahan sa pagkakaroon ng partner, baka ma-frustrate ka sa maraming pagkatataon. Because people can fail you. Ngunit kung masaya ka sa iyong kalagayan, hindi mo kailangan ng partner upang sumaya.

Gusto mo ba talagang uminit ang iyong Pasko?

Yakapin mo ang iyong mga mahal sa buhay. Wala pa ring tatalo sa pagmamahal ng pamilya. Iwan ka na ng lahat ng iyong kaibigan, babalik at babalik ka sa yakap ng mga tunay na nagmamahal sa iyo. Blood will always be thicker than water. At kung kabilang ka sa isang dysfunctional family, find your joy in the Lord. King David once wrote: Though my father and mother forsake me, the LORD will receive me (Psalm 27:10).

Higit sa lahat, ituon mo ang iyong puso at kaluluwa sa greatest LOVER of all—ang Panginoong Hesus. Christmas is not about us. Hindi ang love interest/partner natin ang magpapatingkad sa Pasko, kung hindi ang Panginoon na siyang ipinanganak sa sabsaban, inalay ang kaniyang buhay sa Krus ng kalbaryo at tumubos sa makasalanang sangkatauhan.

If you really want to make your Christmas meaningful, ibang organisasyon dapat ang sinasamahan mo. Hindi SMP, kung hindi SNP- Samahan ng Nagmamahal sa Panginoon!

May you always find yourself LOVESTRUCK with the Lord.

Maligayang Pasko at mapagpalang Bagong Taon!

No comments: