Tuesday, November 16, 2010

Ang Kuwento sa likod ng librong LOVESTRUCK

Maraming nagtatanong sa akin kung may mapait akong karanasan sa pag-ibig kung kaya naisulat ko ang librong LOVESTRUCK. Ang nangigibabaw na motiff kasi ng libro ay "Dump Recreational Dating" at "Be Single-Minded". Ang aking sagot: OO.

Ilang beses akong nasaktan nang makita ko ang aking mga kaibigan at mahal sa buhay na lumuluha bunga ng pagpasok sa relasyon sa maling panahon, maling dahilan, at maling partner. Hindi naman sila kailangang masaktan pero nalugmok sa kalungkutan dahil sa mga maling desisyon. Emotional wounds are difficult to heal. Sa isip ko: ayaw ko nang makita ang ganitong mga scenario.

Isang beses lang ako lumuha dahil sa pag-ibig (or should I say, infatuation) at hindi na iyon nasundan. Ito ay noong sabihin sa akin ng niligawan ko noong 2nd year high school na mas “type” niya ang kaibigan ko kaysa sa akin. Iyon ang unang “Ouch Baby” moment ko. Pero nakapag-move on ako. Hindi sa pamamagitang ng pag-rebound sa isa pang relasyon, kung hindi dahil sa pagmumuni-muni sa kalooban ng Diyos sa aking love life.

Sa mga teenagers at estudyante na gusto nang magkaroon ng BF/GF sa lalong madaling panahon, baka ma-frustrate kayo sa laman ng libro. Sa mga mayroon nang "significant other", I want you to step back and reflect on your relationship kung ito ay "pleasing" pa kay Lord.

Ang mikrobyo, hindi bine-baby. Maraming mikrobyo sa isipan ng mga kabataan ngayon na gusto kong i-genocide. Isa na dito ang kaisipang OK lang mag-BF/GF para mas maging “enjoy” at “adventurous” ang buhay single, dahil cute ang magkaroon ng ka-partner at para mapunan ang pangangailangan sa atensyon. Ang mga problemang ito ay hindi masosolusyunan ng recreational dating (read the book to appreciate its meaning).

Ang RATED: PG ang pinakamalapit sa aking puso. For a great reason. The book desires to redeem the lost principle of parental guidance. Akala ng maraming kabataan, puwede nang ietse-puwera ang kanilang mga magulang dahil hindi naman sila ang involved sa relasyon. MALING-MALI. Our parents are tasked by God to care for us. Walang matinong magulang ang magpapahamak sa kanilang anak. Moreover, masarap ang feeling kung aprubado ng magulang natin ang ating relasyon at ka-relasyon. Iwasan na ang Romeo-Juliet love affair.

Motibasyon ko naman sa pagsulat ng "Let's Talk about S", ang pinakamahabang chapter ng libro, ang dumaraming kaso ng teenage pregnancy. Maraming “nakakalunok ng pakwan” at “nagtatanim ng pakwan” dahil sa kawalan ng gabay (ng magulang at Salita ng Diyos). At kapag nabuntis ang dalaga, ira-rationalize pa ang pangyayari na ang “baby” ay gift from the Lord. At walang masama doon. Totoo ito. Walang kasalanan ang bata. Pero ang tanong, maituturing ba kayong “gift” sa anak ninyo? Maraming sirang pamilya dahil maraming mga kabataan ang nag-aasawa ngunit hindi pa handang maging magulang. Kaya kawawa ang mga anak. Isa ito sa nais sugpuin ng libro.

Ukol naman sa 6:14 Rule Chapter, minabuti kong ilagay ang paksa dahil na rin sa aking nadiskubre--pagdating sa pakikipagrelasyon, halos walang ipinagkaiba ang pagtanaw ng mga kabataan na nasa loob ng simbahan at ang mga kabataang hindi bahagi ng iglesya. Ito ang dahilan kung bakit madaling binabalewala ng maraming "churched youth" ang kalooban ng Panginoon ukol sa pakikipagrelasyon sa mga "unbelievers". Our relationship must be surrendered to the Lordship of Christ.

Kung may concerns at tanong kayo, just PM me in my website: www.kuyaronald.multiply.com and/or email me at rcmolmisa@gmail.com. God bless YOUth!

2 comments:

Anonymous said...

we are so thankful for your book Lovestruck:) we blessed so much ! www.jzonepo.blog.com !

Anonymous said...

gusto ko po malaman ang tunay na kahulugan ng pakikipagrelasyon...