Kahit hindi pa tapos ang trabaho ng Kongreso bilang National Board of Canvassers, alam na natin (o tanggap na) kung sino ang nanalo bilang bagong president ng bansa. Others may question the integrity of the PCOS machines, but they cannot deny the fact that people were generally satisfied with election results. This is my analysis of the result of the presidential election.
Noynoy Aquino - Malaki ang papel ng kaniyang pagiging “Mr. Clean” upang makuha niya ang mahigit 14M na boto. Nanganino rin siya sa magandang reputasyon ng kaniyang ama at ina. Dahil sa matinding problema ng korupsyon sa ating bansa, naghanap ang sambayanan ng isang taong may “karakter” kahit walang nakakabilib na “track record” o galing sa pagsasalita. Nakaabang ngayon kay Noynoy ang napakalaking expectations ng sambayanan. Kailangan niyang patunayan ang kaniyang “competence” bilang pangulo sa kabila ng mga batikos na wala siyang naipasang batas sa Kongreso at hindi naiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. If he cannot have a good and strong cabinet, mahihirapan siyang daigin ang puwersa na kakalaban sa kaniya mula sa Kongreso at Senado. Iniintriga na rin ang tambalan nila ng dark horse VP candidate na si Jejomar Binay.
Erap Estrada- May “magic” pa rin ang bigotilyong artista. Pinatunayan ng eleksyon na isang “Middle Class” uprising ang EDSA 2. Hindi mapapasubalian ang mahigit 8M na bumoto sa kaniya dahil sa lakas ng kaniyang “appeal” sa mga botante sa probinsiya at sa mga urban poor sa Kamaynilaan. Sa isang ngang dokumentaryo, ibinoto si Erap ng ina ng isang batang endorser ni Manny Vilar. Kung hindi nakipagkumpetensiya si Villar sa slogan na pang-mahirap, maaring mas mataas pa ang botong kaniyang nakuha. Nakakabiglang marami pa rin ang naniniwala sa kaniya sa kabila ng PLUNDER Case na ipinataw sa kaniya at napatunayan sa Sandiganbayan. Mapagpatawad talaga ang mga Pinoy. Nagbago rin ang kaniyang slogan mula sa “Erap para sa Mahirap” patungo sa “Kung may ERAP, may Ginhawa!”. Hindi lang malinaw sa akin kung mas inangat niya ang pagtingin sa mga mahihirap. Ang pagkatalo ni Estrada ang huli na niyang laban sa pagkapangulo. Pero hindi ibig sabihin, mawawala siya sa political limelight lalo na ngayong may tatlong aktibong Estrada sa gobyerno—ang kaniyang asawa at anak na mayor at Congressman ng San Juan at si Jinggoy na siyang pinakamalakas na “fiscalizer” sa senado.
Manny Villar – Matalino na ang mga botante ngayon. Hindi napaniwala ni Villar ang sambayanan na hindi niya babawiin ang bilyon-bilyong ginastos sa kampanya kapag siya ay manalo sa pagkapangulo. Matagumpay din ang demolition jobs ng media sa kaniya. Kaya mula sa ikalawang puwesto sa survey, bigla siyang naungusan ni Erap sa mga natitirang 3 linggo patungo sa araw ng eleksyon. Nakuwestiyon din ang kaniyang “paglangoy sa dagat ng basura”. Madaling natanggap ni Villar ang kaniyang pagkatalo dahil, ayon sa kaniya, hindi kayang labanan ang tadhana—kung talagang hindi siya mananalo, hindi siya mananalo. Masayang-masaya naman ang mga TV stations at online social networking sites sa ipinasok na pera ng kaniyang kandidatura. Nakatatak na rin ang lyrics at tono ng kaniyang mga campaign jingles sa pahina ng kasaysayan (katulad ng Mambo Magsaysay). Malaki ang posibilidad na bumalik sa pagiging Senate president at maging opposition leader si Villar sa termino ni Aquino. Abangan natin kung paano niya lilinisin ang kaniyang pangalan at haharapin ang lahat ng kontrobersiya na ipinukol sa kaniya noong eleksyon.
Gibo Teodoro – Malakas ang “appeal” niya sa mga estudyante at intelligentsia. Pero hindi sapat ang "galing at talino" para sa sambayanang Filipino. Hindi naiwaglit sa isipan ng marami na isa siyang “administration candidate". Na isang "kiss of death" ang iendorso ng partido ni GMA. Hindi sapat ang mga "assurances" mula kay Gibo na magiging independent president. Naroon ang takot na kung siya ay malulukluk sa puwesto, maaring balewalain niya ang mga kaso na maaring isampa laban kay GMA. Nakaapekto din ang pagkakahati ng kaniyang partido sa paglapit ng eleksyon. Ang suportang ipinangako sa kaniya ng mga local chief executives ay biglang naglaho dahil nagpulasan sila at kumampi sa partido ni Aquino at Villar. Hindi lang iyon, bahagi rin siya ng pamilya Aquino, na kaniyang kinalaban sa ngalan ng pulitika. Bilib ako kay Gibo dahil siya lamang ang kandidatong hindi nagpaanod sa normal na “negativities” ng pangangampanya. A real gentleman sa pagsasalita at kilos. Ang aking payo, maghanda na siya for 2016 kung nangangarap pa siyang maging presidente. Bata pa naman siya.
Dick Gordon – I consider Gordon as a transformational leader. Lahat ng hawakan niyang posisyon sa gobyerno ay talagang mahusay niyang nagagampanan. Napaunlad niya ang Subic sa loob lamang ng ilang taon. Tumingkad ang turismo sa bansa dahil sa kaniyang WOW Philippines program. Naging bahagi rin siya ng negotiation team upang mapalaya ang ilang bihag ng Abu Sayyaf sa Mindanao. Isa rin siyang aktibong volunteer ng Red Cross at sumasama sa mga mapanganib na operations ng organisasyon lalo na noong salantahin ang bansa ni Ondoy at Pepeng. Sa kabila ng kaniyang napakagandang record ng paglilingkod sa bayan, hindi niya nabihag ang imahinasyon ng sambayanan. Ang kaniyang “confidence” ay napagkakamalang “kayabangan”, na sadyang mahirap paghiwalayin. Para sa iba “napakalakas” ng kaniyang leadership drive na maaring humantong sa pagiging diktador. Pati slogan ng Partido Bagong Bayan ay matigas ang dating – “Sigurado, Titino Tayo!” Mas lalong napatibay ang kaniyang imahe nang madikit siya kay Bayani Fernando na kilala rin sa pagkakaroon ng matigas na prinsipyo.
Eddie Villanueva –Hindi mahirap para sa Bangon Pilipinas na mag-tawag ng libo-libong tao sa Luneta upang mag-rally dahil isa ito sa mga lakas ni ECV bilang pastor ng Jesus is Lord Church. Pero ito ang nakakapagtaka: bagaman inaangkin ng Bangon na mayroong 3M miyembro ang JIL, kabaligtaran ito ng larawan ng bumoto para kay ECV. Madaling magsabing may dayaang nangyari. Pero mahirap hanapin ang mga botong, sa simula pa, ay wala na talaga. Masyadong “utopian” para sa akin ang slogan ng Bangon at deklarasyon ni ECV sa mga press conferences kung paano niya babaguhin ang bansa. If you don’t know the internal dynamics of Philippine politics, you can easily declare statements which are implausible. Hindi tanggap ng sambayanan ang mga may "Messianic complex." Sa kabila ng lahat, kung hindi man nagtagumpay si ECV sa kaniyang kandidatura, naipakita naman ng Bangon na ang mga “evangelical Christians” sa bansa ay dapat lumahok sa proseso ng pulitika at maghain ng mga rebolusyunaryo at alternatibong plataporma.
Nicky Perlas, Jamby Madrigal at JC delos Reyes – Sila ang "bottom three" at itinuturing na mga "alternative candidates" kabilang si ECV. Nakakatawa dahil mas marami pang nakuhang suporta ang na-disqualified na si Vetellano Acosta kaysa pinagsama-sama nilang boto. Hindi gamay ng tao ang kandidatura ni Perlas dahil sa kakulangan ng makinarya upang maisulong ang kaniyang programa. Nabigo siya dahil hindi siya kilala at hindi naihanda ang kaniyang makinarya para sa halalang pambansa. Lumutang naman ang usapin na kaya tumakbo si Jamby ay upang mabawasan ang boto ni Manny Villar na kaniyang mortal na kaaway sa Senado. Malaking dagok sa kaniyang kandidatura ang alitan nila ni Judy Ann Santos na sinasabing ginamit lamang niya upang manalong senador noong 2004. Masyado namang bata (sa edad at karanasan) si delos Reyes upang makumbinsi ang sambayanan na kaya na niyang maging pangulo. Napaka-long shot ng kaniyang kandidatura (mula Olongapo papuntang Malacanang).
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
No comments:
Post a Comment