Paano ba dapat makisangkot ang mga Cristiano sa pulitika? Pumasok sa loob ng pamahalaan o manatili sa labas nito? Ang aking sagot: pareho.
Kung tinatawag ang isang mananampalataya upang maging mambabatas o pulitiko (batay sa kaniyang karanasan at kakayahan), kailangan niyang sundin ang ipinagkaloob sa kaniyang misyon ng Panginoon. Pero hindi lahat ay tinawag sa ganitong trabaho.
Hindi lahat ay tinawag katulad ni Moises, Josue at Jose upang maging lider sa pamahalaan. Huwag nang magpilit ang mga taong mas epektibo sa loob ng iglesya na pumasok pa ng pulitika. It would only cause vocational confusion. Siguraduhing tinatawag ng Diyos na maging lingkod sa pamahalaan bago suungin ang anumang laban.
Sadly, several people (including church leaders and ministers) have depicted politics as the ‘territory of the unbelievers’. Many Christians in the past have left the political arena, considering it inherently evil and outside the legitimate realm of Christian influence. But it is necessary for Christians not to distance themselves from the affairs of the state. When believers of Christ abandon their moral responsibility to influence society with their values, other influences will fill the gap.
Isang paraan upang mabago natin ang masamang sistema ng pamamahala ay maging bahagi mismo tayo ng pamahalaan. Hindi minsan sapat ang magsisigaw sa kalye upang humiling ng pagbabago. Ngunit, hindi lahat ng Cristiano ay tinawag upang maging pulitiko. Ang ibang hindi matatag sa pananampalataya ay nilalamon ng sistema. Kaya, kailangang "tinawag" ka at hindi lamang "tinulak" o "tinuring ang sarili" sa ganitong trabaho.
Minsan, tinanong si dating Senador Jovito Salonga kung bakit iniwan niya ang kaniyang pagtuturo sa unibersidad at bigla siyang pumasok sa mundo ng pulitika. Iito ang kaniyang sagot:
“It is partly because of a strong, deep-seated conviction that I had no right—whatever to condemn or criticize the governance of public affairs—as I usually did—if I were not prepared or willing, in my own little way, to do something about it. How could I talk about the need of cleaning up the much talked-about mess in the government unless I was prepared to disregard, for the moment, personal interests and get something done?”
Pumasok siya sa gobyerno sa pagnanais na maging bahagi ng pagbabago sa pulitika sa bansa. Masasabi kong sadyang tinawag siya ng Panginoon sa misyong iyon kung kaya't naging matagumpay siya at itinuring na isa sa pinaka-iginagalang na pulitiko sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ganunpaman, naniniwala akong mas magiging epektibo ang mas nakararaming Cristiano kung sila ay maglilingkod sa labas ng pamahalaan. They can have a far greater impact through personal witness and prayer by participating in socio-civic projects which may have direct or indirect effects on the political life of the country.
Christians should never sacrifice their faith for the sake of a particular political or social ideology—right, left or center, for several reasons.
Una, walang pinapanigang political group o party ang Diyos. Hindi natin puwedeng sabihing mas papaburan ng Panginoon ang isang partido dahil sa kaniyang posisyon. Walang kinakampihan ang Diyos maliban sa mga taong naninindigan sa katwiran, kabanalan at katarungan. Kung lahat ng Cristiano ay may political party na yayakapin, palagay ko mahirap magkaisa ang Body of Christ. Pinatunayan na ng kasaysayan ng sangka-Cristianuhan na mas epektibo ang mga mga mananampalatayan kung mananatiling walang pinapanigang partido.
Pangalawa, walang maituturing na isang fixed political agenda ang Diyos. Ang ating posisyon ay dapat nakabase sa kung anong isyu ang pag-uusapan. Dito na pumapasok ang pansariling paniniwala ng mga Cristiano. Tandaan natin na maraming aspeto ng ating buhay kung saan sadyang tahimik ang Bibliya. We must realize that political judgments are subjective and relative. Mahirap bumuo ng isang tunay na Cristianong pananaw sa bawat isyu sa ating lipunan.
Pangatlo, ang pagiging partisan o bahagi ng isang partido ay maaring makaapekto sa patotoo ng isang Cristianong seryosong sumusunod kay Cristo. Kailangang maging matalino kung makikisangkot sa mga gawaing pampulitika. Politics is a messy process. Hindi maiiwasang kahit ang mga Cristiano na may iba’t ibang posisyon sa mga isyu ay magkabanggaan. Remember that our first identity is to be Christians. Saan man tayo ilagay ng Panginoon, kailangang mauna ang ating pagiging Cristiano.
The diversity of our political persuasions and positions should not divide us as brothers and sisters in Christ. Nagkakaiba man tayo sa pananaw, kailangan nating maunawaan na tayo ay pare-parehong iniligtas ng Panginoon mula sa kasalanan at may responsibilidad na ideklara ang kaniyang kabutihan sa lahat ng mga hindi mananampalataya. Kung tayo mismo ang magsasakmalan at mag-aaway na parang mga mababangis na hayop, mahihirapan tayong mapaniwala ang iba na tayo ay mga taga-sunod ni Cristo. Minsan sinabi ng Panginoon, na sa pamamagitan ng ating pag-ibig sa isa't isa, makikilala ng iba na tayo ay kaniyang mga disipulo.
Kung sa pagnanais nating maging bahagi ng proseso ng politika ay negatibong naapektuhan ang ating patotoo bilang Cristiano, makabubuting pag-aralan natin ang ating desisyon. Kapag nasira ang ating patotoo sa maraming tao dahil sa pulitika, mahihirapan na nating mailapit sila sa paanan ni Hesus. Huwag na nating hintayin ang puntong sabihin nila sa atin, "Naniniwala kami kay Cristo, pero hindi kami sa inyong mga nagsasabing Cristiano!"
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
No comments:
Post a Comment