Pero tandaan natin; madalas, ang mga “Why” questions na iyan ay hindi talaga papunta sa pagresolba ng tanong at kapayapaan kundi sa mas marami pang katanungan. May pagkakataon na umaasta tayong parang may moral obligation si Lord na sagutin ang lahat ng ating rant at angst sa buhay.
May kakayahang mag-rationalize ang marami. Pilit na binibigyan-solusyon
ang lahat ng mga bagay na malabo at magulo. Madaling sabihin na ang Corona
virus ay sumpa sa mga makasalanan, o parang “The Purge” ng mga pasaway. Ito rin
daw ay paglilinis ng Diyos sa kalikasan na matagal nang sinasalaula ng
sangkatauhan. O kaya naman, ay bunga ito ng tunggalian sa international
geopolitics kaya nabulgar na ang kanilang bio-warfare strategies. Idagdag ninyo
pa ang samu’t saring conspiracy theories na nagkalat sa YouTube at social media.
Hindi ko alam ang sagot kung bakit pinadapa ng Corona Virus ang buong
mundo. Hindi rin ako maaring maging “deterministic” sa pagsasabing ang sagot ko
ay siya ngang nasa isipan ng Diyos. Hindi ko kailanman kayang arukin ang lalim
ng Kaniyang mga panukala (Isaias 55:8-9). Ang alam ko lang ay ginising ng
Corona virus ang ating diwa sa katotohanang maikli ang buhay sa daigdig at ang
“vulnerability” ng lahat sa isang pandemic. We were not only exposed TO the
virus, we were exposed BY the virus---ang ating mga takot, pangamba at
pagpapahalaga sa buhay.
Sa kuwento ni Job sa Old Testament, may matinding itinuturo si Yahweh para
sa lahat. Ito ang argumento ng mga kaibigan ni Job: “Akala ba namin God-fearing ka, bakit naghihirap ka?” Isa sa hinuha
nila ay may kasalanang itinatago si Job kaya siya pinaparusahan ng Diyos. Sa
bandang huli, sinabi ni Yahweh kay Job: huwag kang magpapaniwala sa mga kabigan
mong sinungaling! (Job 42:7-8). Ouch. Kaya choose your friends and adviser
well. Hindi lahat ng payo ay ayon sa kalooban ng Diyos.
Nang tanungin ni Job ang Diyos, ito ang sagot ni Yahweh: Sino ka para mag-alinlangan sa aking mga
plano? (38:2). Ito pa ang Kaniyang tinuran (38:1-41): wala ka noong likhain
ko ang mundo at hindi ikaw ang nagpasya kung gaano ito kalawak at kung paano
nilikha ang mga elemento dito. Hindi ikaw ang nagdidilig sa mga tigang na lupa,
nagpapayelo sa malalamig na karagatan at nagsasabi sa mga ulap na magbuhos ng
ulan. Hindi ikaw ang gumawa ng mga bituin sa langit. Hindi rin ikaw ang
nagpapakain sa mga leon at ibon sa himpapawid.
Tumiklop si Job at kaniyang nasabi: Sino akong nangahas na kayo'y
pag-alinlanganan gayong ako nama'y walang nalalaman?’ Nagsalita ako ng mga
bagay na di ko nauunawaan, ng mga hiwagang di abot ng aking isipan” (Job 42:3). End of discussion.
Sa halip na galugarin natin ang Bibliya at mag-isip ng kung ano-anong
sapantaha at kuro-kuro sa mga particular at “time-specific will” ng Diyos sa
bawat sitwasyon, bakit hindi natin hayaang manatiling isang matinding misteryo
ang Diyos—na hindi kayang ikahon ng ating mga theological frames at
intellectual pursuits? Unless, i-reveal Niya ang Kaniyang sarili sa atin,
hayaan natin Siyang maging Diyos. Siya ang magdidikta ng diskusyon at
impormasyon, hindi tayo.
Minsang sinabi ni Moises sa mga Israelita sa Deuteronomio 29:29: “May mga bagay na sadyang inilihim ng
Diyos nating si Yahweh. Ngunit ipinahayag ang kautusang ito upang sundin natin
at ng ating mga anak magpakailanman.” At dahil hindi natin kaya, balikan
natin ang matagal nang sinabi Niya sa
atin na maaaring nakakalimutan natin?
Ang “general will” ni Lord para sa lahat ay tanggapin si Jesu-Cristo
bilang Diyos, Panginoon at Hari ng ating buhay. Sa kabila ng banta ng pisikal
na kamatayan, mahalagang tutukan natin ang ating buhay-espiritwal. Ano ang
mapapala natin na kahit mabuhay tayo nang ilang milyong taon sa mundong ito
kung mapapahamak naman ang ating kaluluwa? (Marcos 8:36, Roma 3:23, 6:23).
Pinapalutang ng krisis na ito na ang ating kaligtasan ay hindi sa antidote
sa virus, sa mga medical professionals, sa mga pulitikong nagbibigay ng sa
relief goods, kundi sa Panginoon na Siyang pinagmumulan ng buhay na ganap at
kasiya-siya (Juan 14:6, 10:10b). Huwag nating ikatakot ang mga bagay na
pumapatay lang sa pisikal na katawan kundi mas matakot tayo sa kayang pumatay ng
kaluluwa sa impiyerno kung hindi tayo lalakad sa katuwiran at kabanalan ng
Diyos ((Mateo 10:28)
Kung hindi mo pa isinusuko nang buo ang buhay mo sa Panginoon, ito ang
tamang pagkakataon para magdesisyon (2 Corinto 6:2). Ikumpisal sa Kaniya ang
lahat ng iyong kasalanan at hayaan mong linisin ka Niya sa iyong mga kalikuan
(1 Juan 1:29). Veru gracious si Lord sa mga lumalapit sa Kaniya. Ipagkatiwala
sa Kaniya ang buo mong pagkatao at masusumpungan mo ang kapayapaang hindi
kayang ibigay ng mundo (Mateo 10:28-29, Juan 14:27, Galacia 2:20).
Sa halip na magtanong ng Why” questions, we better have “What” and “How”
queries kay Lord. “Ano ang itinuturo mo
sa akin Panginoon?”, “Ano ang next move ko sa dinadanas ko ngayon?” “Paano ko
malalamapasan ang pagsubok na ito?” At habang nag-aabang tayo ng kasagutan,
huwag mawawala ang pagtitiwala sa Panginoon. Ika nga ng isang awit ni Babbie
Mason:
God is too wise to be
mistaken
God is too good to be
unkind.
So when you don't
understand.
When don't see His plan.
When don't see His plan.
When you can't trace His
hand
Trust His Heart. Trust His Heart.
Trust His Heart. Trust His Heart.
Anuman ang mangyari, walang makakapaghiwalay sa atin sa
pag-ibig ng Diyos—kahit ang kaguluhan, kapighatian,
pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan (Roma 8:31-39). Focus on
Christ, not on the crisis.
No comments:
Post a Comment