Bilog dawang bola sa politika. Ang dating mga talunan, maaaring bumalik sa kapangyarihan. Ang mga nasampahan ng kaso ng pandarambong, puwedeng maluklok muli sa posisyon. Ang mga nakulong ay maaaring lumaya paunti-unti dahil weather-weather lang daw iyan sa pulitika. Kapag ka-alyansa ka ng administrasyon, maaaring maambunan ka ng matinding grasya.
Madali ba talagang makalimot ang Pinoy o sadyang mapagpatawad? May mas malalim na hugot ang ating kaluluwa bilang bayan. Muling nakakabalik sa puwesto ang mga may kaso dahil na rin sa uri ng kamalayan bilang isang bayan.
Wala tayong kasaysayan na tayo ang naniniil. Tayo ang laging dehado. Binubura natin sa ala-ala ang mga masasakit na yugto ng kasaysayan. Ayaw nating harapin ang sakit ng nakaraan. Pero tandaan rin natin: hungkag ang kapayapaang walang paglalapat ng katarungan.
Minsang nagbabala ang pilosopong si George Santayana: na ang sinumang hindi matuto sa nakaraan ay maaaring umulit nito. Hindi ang kasaysayan ang umuulit sa kaniyang sarili kundi ang mga taong hindi natututo mula sa mga aral nito.
Madalas na kinukundisyon ng mga naghaharing uri sa lipunan kung paano titingnan ang kasaysayan. Sila ang nagtatakda kung ano ang dapat paniwalaan o kalimutan ng bayan (historical revisionism). Sa isang bansang halos 30 porsyento pa ang naghihirap at walang malawak na kaalaman sa kasaysayan, madaling hubugin ng quad-media (i.e. TV, radio, print at Internet) ang utak ng publiko ukol sa mga isyung panlipunan.
Hindi pa rin nabubura ang “patron-client relationship” sa pulitikang Pinoy. Iluluklok ng publiko ang kanilang patron na siyang panggagalingan ng mga serbisyong kanilang kailangan. Ito ang dahilan bakit iboboto nila ang sinumang ie-endorso ng kanilang patron sa paniniwalang patatatagin nila ang kapangyarihan ng kanilang patron.
Saksi ang bayan sa “predatory politics” ng mga nagdaang administrasyon. Ito ay uri ng pamamahala kung saan ginagamit ng mga lider ang mga ahensiya ng pamahalaan para magpayaman. Pinapatindi pa ito ng mahinang “check and balance” institutions (i.e. Supreme Court, political parties). Dito mas kailangang bumuo ng mga “reform constituency” mula sa civil society organizations upang masawata ang katiwalian at panga-abuso sa kapangyarihan.
Isang magastos na “popularity contest” ang anumang eleksiyon. Lumalabas na hindi talino, track record at karakter ang basehan ng marami sa pagboto kundi kung ano ang makukuha nila sa mga pulitiko. Wala pang matinding epekto ang mga media debates dahil mas mahalaga ang “personalistic nature” ng mga kumakandidato. Mas nakatuon ang marami sa puso para tumulong higit sa anumang academic credentials. Ang resulta: nahahalal ang mga taong walang alam sa kanilang tinakbuhang posisyon.
Nagbago rin ang pagtingin ng publiko sa kung ano ang papel ng kanilang mga lider. Ang mga Senador at Kongresista ay tinitingnan nang mga public service provider, isang executive function, dahil sa kanilang milyong o bilyong pork barrel. Hindi na lang legislative function ang pinagkakaabalahan nila kundi maging ang pagdidikta kung saan mapupunta ang pondong ikinapit sa opisina nila.

“Transactional” at hindi “transformational” ang maraming pulitiko. Marami sa kanila ang walang malawak at pangmatagalang solusyon sa mga isyung panlipunan. Dekada 50 pa ay isinisigaw na nilang tatapusin ang kahirapan pero hanggang ngayon, iyon pa rin ang kanilang campaign slogan.
Hindi rin matibag-tibag ang hawak ng mga political dynasties at oligarkiya sa iba’t ibang bayan. Ang patuloy nilang pamamayagpag ang isang dahilan kung bakit walang bagong estilo ng pamamahala sa kanilang pinamumunuan.
Magpapatuloy ang ganitong kalakaran hangga’t hindi nareresolba ang kahirapan ng mamamayan na siyang dahilan kung bakit hirap silang matalinong magsuri tuwing eleksiyon. Mas kailangan natin ng mga lider na itutuon ang lakas upang iangat ang kamalayan ng bayan kaysa panatilihin ang sarili sa kapangyarihan nang walang napapala ang bayan.

No comments:
Post a Comment