Friday, March 30, 2012

PAGSUSURI: Hunger Games Movie

Katulad ng Magnum Ice Cream at ni SimSimi, over-hyped ang pagma-market sa pelikulang ito. Hindi ibig sabihin na best-seller ang libro, magiging kaaya-aya na rin ang pelikula. Pagtuunan natin ng pansin ang "form" at "substance" ng movie version ng unang libro sa Suzanne Collins series.

Hindi ito maaaring ikumpara sa makukulay na adventures at movie effects ng The Harry Potter Series. Iba ang konteksto ng istorya-dystopian at post-apocalyptic. Sa dami ng "end of the world" movies na aking nasaksihan (mula sa Mad Max hanggan sa The Book of Eli), wala nang bago sa palabas na ito. Animo'y mga Roman gladiators ang mga kabataan na siyang pagpipiyestahan ng sambayanan habang nagpapatayan sa isang "only-one-will-survive" competition.

May katamlayan rin ang pagganap at papel ng mga karakter. Nagkulang ang pelikula sa mga "kakaibang" aksiyon at kapana-panabik na daloy ng kuwento. If you are looking for entertainment, you may watch other films.

May "red signal" din sa ideya (gaano man ito nais ibenta at gawing makatwiran ng libro) na handa ka dapat kumitil ng buhay upang maisalba ang dangal ng iyong pamilya at bayan. Ika nga ni Gandhi, the means cannot justify the end (and vice versa) because they should be the same.

Dinaya na lang ng malilikot na camera shots ang sagpangan at patayan ng mga kasama sa kumpetisyon upang huwag lumabas na masyadong "gory" at "violent" ang mga eksena. Ngunit, anupaman ang estilo ng awtor ng libro at direktor, ang karahasan ay mananatiling karahasan.

Kapansin-pansin din ang pilit na romantic angle. Gutom sa "kilig" factor ang relasyon sa pagitan ni Katniss at Peeta. Kulang sa emotional bond. Ito ang kalimitang problema kapag isinasapelikula ang isang nobela--nawawala ang tindi ng emosyon dahil natatabunan ng sobrang aksyon.

Ang aking payo: Ibuhos ninyo na lang sa pagkain ng 3 Magnum Ice-Cream ang inyong P180 o kaya ay mag-rent ng unit sa computer shop at makipag-usap kay Simsimi.

O, maari ninyong sabihin na sadyang "killjoy" lang ako at "alienated" na sa kasalukuyang mga trip ng kabataan. No apologies.

No comments: