Isang survey ng UP Population Institute (UPPI) ang pumukaw sa atensyon ng sambayanan noong Enero. Ang paksa: ang paglaganap ng sexually transmitted diseases (STDs) sa mga young professionals sa call center companies. Pinag-aralan nito ang uri ng pamumuhay ng 675 na call center agents sa Metro Manila at Metro Cebu, at kinumpara sa pamumuhay ng mahigit 200 na propesyunal na nagtatrabo sa ibang industriya.
Lumabas sa pag-aaral namalapit sa paggawa ng mga mapanganib nagawaing sekswal ang mga call center agents. Bahagi na ng kanilang kultura ang pagkakaroon ng "sex buddies" o sex partner na hindi ka-relasyon. Maraming kasong same-sex intercourse lalo na sa mga kalalakihan. Bagaman mataas ang kanilang kaalaman ukol sa STDs katulad ng HIV-AIDS virus, marami sa kanila ang hindi masyadong nababagabag sa sakit. Kakabit ng ganitong life style ang mgakalagayang nakakaapekto sa kanilang kalusugan tulad ng "unhealthy diets", hindi sapat na oras na pagtulog, paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Sa isang konserbatibong bayan tulad ng Pilipinas, nakakagulantang ang mga estadistikang ito. Mas pinatingkad nito ang resulta ng naunang pag-aaral ukol sa sexual behavior ng kabataang Pinoy. Ayon sa Young Adult Fertility and Sexuality III na inilabas noong 2002, at isinagawa rin ng UPPI, 5 milyon o 23 porsyento ng kabataang Filipino edad 15 hanggang 24 ang nakibahagi na sa premarital sex (PMS). Nagsisimula silang makipagtalik sa edad na 18 kung saan sila ay nasa ikalawang taon ng kolehiyo.
Ang paglaganap ng STDs sa ating bayan ay bunga ng maraming bagay. Kailangang atakihin natin ang problema sa iba't ibang anggulo. Halimbawa, mahalagang solusyunan ang kawalan ng trabaho sa ating bayan na sanhi ng pagpunta ng ating kababayan sa ibang bansa na siya namang bumibiyak sa pamilyang Filipino. Dahil malayo sa mahal sa buhay, maraming OFWs ang naghahanap ng sekswal na relasyon. Sila ang isa sa mga most vulnerable groups pagdating sa STDs.
Kailangan ding bantayan ang mga impormasyon nasasagap ng maraming kabataan mula sa media at kanilang mga kabarkada. Maraming kabataan ang nabababad sa mga mensaheng sekswal na siyang nagiging paksa ng usapan ng magkakabarkada. Ilang pag-aaral din ang nagsasabi na ang mga kabataang nakikipagtalik sa murang edad ay madalas na dumidikit sa mga kabarkadang gumagawa rin nito.
Hindi rin mapasusubalian ang pagsasagawa ng mga "age-appropriate" sex education upang mabigyan babala ang mga kabataan sa panganib ng STDs at iresponsableng pakikipagtalik. Maraming nabibiktima dahil sa kakulangan ng kaalaman. Iwaksi na natin ang kaisipang hindi dapat pag-usapan ang sex dahil isa itong "maruming" paksa.
HIGIT SA LAHAT, ang pagsugpo sa paglaganap ng STDs ay usapin, unang-una, ng moralidad. At kung mabuting pagpapahalaga ang pag-uusapan, kailangan nating balikan at isabuhay ang Salita ng Diyos.
Sa 1 Tesalonica 4:7 makikita na hangarin ng Diyos na mabuhay tayo sa kalinisan at hindi sakahalayan Ang pakikipagtalik sa maling dahilan, maling panahon at maling tao ay magdadala sa atin sa kapahamakan. Sinisira natin ang ating katawan tulad ngsinasabi sa 1 Corinto 6:18. Ganundin, mayroon itong epekto sa mga taong nakapaligid sa atin. Basahin ang naging bungang pakikiapid ni Haring David sa 2 Samuel 12:1-25. Nagkalamat ang kaniyang relasyon kay Yahweh. Pinatay niya ang kaniyang sundalong si Urias. Namatay ang kaniyang panganay na anak kay Batseba. At sinundan ng trahedya ang kaniyang mga anak at mahal sa buhay.
Marami ang hindi masyadong natatakot sa STDs dahil hindi agad nakikita ang kanilang masamang epekto. Ang ilan tulad ng gonorrhoea at syphilis ay tumatagal pa ng ilang buwan o taon bago maramdaman ang sintomas. At kung ikaw ay sadyang "promiscuous" o walang patumanggang nakikipagtalik sa kung sino-sino, maari mong ipasa ang sakit sa iba nang hindi mo nalalaman.
Sa isang henerasyon na nagwawagayway ng "indibidwalismo" at sumusunod sa agos ng "sexual revolution" ,dapat lamang na maging aktibo ang lahat ng Cristiano sa pagsugpo ng mga maling kaisipan at pagpapahalaga sa sex. Ang panlaban sa mga maling kaisipan ay ang katotohanan ng Bibliya na dapat ituro sa loob ng tahanan. At kung hindi kayang gampanan ng mga magulang ang kanilang papel bilang unang guro ng kanilang mga anak, kailangang laging handang umalalay ang simbahan.
Pag-isipan natin ito. Kung matindi ang ating kampanya laban sa masamang bunga ng paninigarilyo, bakit hindi rin tayo gumawa ng mga karatula na ipapaskil sa mga pampublikong lugar na nagsasabing, "Premarital Sex/Sex with Multiple Partners is Dangerous to your health"?
Ito po ang SA GANANG AMIN ni Ronald Molmisa ng Institute for Studies in Asian Church and Culture, naghahatid ng mga pananaw na tumutugon sa mga hamon ng ating panahon...
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
No comments:
Post a Comment