Nakakasawa nang pakinggan ang lahat ng kaso ng graft and corruption sa pahayagan, radyo at TV. As a fact of the matter, we are already desensitized to these things. Corruption fatigue, ika nga. Iniisip ng marami na kailangan na lamang nating tanggapin ang lahat dahil wala na tayong magagawa. Siguro nga…kasi mismo ang Body of Christ, kung hindi manhid sa nagaganap sa lipunan, nagtatago sa apat na sulok ng simbahan at ayaw makialam.
Magalit man sa akin ang ibang relihiyoso dahil sa aking ipapahayag, so be it. Naninindigan ako sa katotohanang ang magpapasimula ng pagbabago ng bayang ito ay mga taong tunay na nagsuko ng buhay kay Cristo, mga taong nasusuklam sa kasalanan, mga taong hindi nagagalak sa paglaganap ng kasamaan.
We need people like Habakkuk who would never condone and tolerate evil in this country. We need individuals like Moses and Joshua who would stand in the gap between God and their countrymen, and will do everything to accomplish God's will for their nation.
I have witnessed how the so-called Christian leaders in the Body Christ succumb to mudslinging and bickerings just like traditional politicians. Ito ba ang iiwan ninyong halimbawa sa mga susunod na henerasyon ng mga kabataang Cristiano? Itinuturing kayong mga ama ng Sangka-Kristiyanuhan ngunit kayo ang nagpapasimula ng nakalulungkot na awayan at alitan.
Bakit kailangang hatiin ng PULITIKA ang Body of Christ?
Hangga't hindi nagkakaisa ang mga matataas na lider ng mga TUNAY na Cristiano sa bansang ito, mababa ang pag-asa kong malalampasan ng ating bayan ang lahat ng krisis-panlipunan. Bakit? Malaki ang impluwensiya ng sinumang lider sa kaniyang kongregasyon. Buo ang aking paniniwala na nasa kamay ng mga tunay na CRISTIANO ang susi ng paggaling sa ating naghihingalong bayan.
If my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then will I hear from heaven and will forgive their sin and will heal their land. (2 Chronicles 7:14)
God's judgment begins at the house of the Lord (1 Peter 4:17, Revelations 2-3). May this serve as an open letter to all genuine Christians and Christian leaders in this country to UNITE, and PRAY TOGETHER for the HEALING of this Land.
Ganundin, tinatawagan ko ang lahat ng Cristiyanong Kabataan ng bansang ito na MAGKAISA hindi lamang sa pananalangin kung hindi maging sa PAKIKISANGKOT upang mamayani ang katuwiran at kabanalan sa ating bayan.
Panginoon, muli mong pasimulan ang magandang kabanata sa aming kasaysayan!
(Signed)
PTR. RONALD MOLMISA
Head Pastor
Generation 3:16 Ministries
Thanks for visiting my blogspot. This is the place where you can know me as a minister, as a kuya (big brother), as an husband, as an academic and as a typical homo sapiens sapiens. I am the head pastor of the GENERATION 3:16 Ministries, a ministry devoted to the evangelism and discipleship of the younger generation. I also lead the LOVESTRUCK MOVEMENT, a ministry preaching Biblical purity and responsible dating, courtship, marriage and sexuality (www.lovestruckmovement.org).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Maaaring ang artista’y sumuko at manahimik, upang mabuhay, ngunit ang ganya’y tiyak na kamatayan ng kaniyang sining. Nakikilala niyang bahag...
-
Isang eksperimento ang isinagawa upang malaman kung paano tinitingnan ng isa tao ang kaniyang sarili at ang kaniyang kapwa. Pinangalanan ito...
-
In Europe a woman named Hilda was near death from a rare type of cancer. There was one drug that doctors thought might save her. It was a fo...
No comments:
Post a Comment